Chapter 13

1.3K 18 14
                                    

Chapter 13

"Ate mamaya ko na bayaran ha, isa po nito, pati nito." Katabi ko si Jared ngayon. Hindi ko aakalaing ang tulad nyang parang sosyal eh kumakain ng isaw. "Oh, Kaylie, pumili ka na dyan."

Kumuha ako ng stick at nagtutusok ng fishball at kwek-kwek. "Ate, isa pong juice sa akin." Sabi ko at binigyan naman ako nung ate na nagtitinda.

Binayaran ni Jared yung mga pagkaing kinuha namin at bumalik kami doon sa upuan sa ilalim ng malaking puno.

"Salamat!" Sabi ko nang nakangiti.

"Wala yun, basta ikaw. Malakas ka sa akin eh!"

"Asus, lande mo." Asar ko pero hindi naman sya nagalit. Tumawa lang sya.

"Hindi naman. Gwapo lang." At sumubo sya ng isaw. Ang dami nyang binili, mga limang stick, nakalagay sa cellophane.

"Eh di ikaw na gwapo." At sumubo rin ako ng fishball. Ang sarap. Sinundan ko naman ng pag-inom ng pineapple juice sa plastic cup.

Nagkaroon ng global silence sa pagitan naming dalawa.

"Huy magsalita ka naman!" Bigla ko na lang sinabi sa kanya. Ayoko kasi ng tahimik. Nabibingi ako.

"Ha? Anong sasabihin ko sa iyo? Na maganda ka? Bakit? Kala mo ba maganda ka?" Hinampas ko sya sa braso. Anong pinagsasasabi nitong lalaking 'to?

"Problema mo?" Tanong ko.

"Wala, nagagandahan lang sa iyo."

Pwede ba, kiligin ako, kahit ngayon lang. One time lang?

"Tigilian mo ako ha." Nag-cross arms ako at sumandal sa sandalan.

"Ayoko nga." Tapos ang kapal ng pagmumukha nyang isandal ang ulo nya sa balikat ko.

Ayoko namang awayin sya kaya hinayaan ko na lang sya. Maya-maya, narinig ko na humihilik na sya, pero mahina lang. Dahan-dahan akong gumalaw para tingnan kung tulog na sya.

Ang bilis nyang nakatulog ah. Pero hindi naman sya ganun kabigat kaya hindi ko sya ginising. Hinayaan ko na lang sya.

Ang tagal ng oras, wala na naman akong magawang matino kaya nirecord ko ang hilik nya. Hihihi. Nakakatawa, pwede na 'tong ringtone pag tumatawag sya sa akin. Ayos. :D

[Jared's POV]

Ayos, ako na. Ako na talaga ang may POV. WAHAHA.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon