Chapter 7

1.5K 21 5
                                    

Chapter 7

Grabe, as in grabe talaga. Ang laki ng perang pinadala ni Papa.

MAYAMAN NA KAMIII!!

Joke lang. Syempre hindi. Eh hindi naman kami nanalo sa lotto eh. Saka, yung pera, gagamitin pampagawa ng bahay namin. Sabi ni Papa, gusto raw nya na medyo palakihin yung bahay dahil nga may malaking space pa sa likod.

 Nung gabi, nagluto na lang ako ng hapunan ko, corned beef lang ang nahanap ko sa cabinet namin eh. Yung mumurahing corned beef lang, hindi yung mahal, hindi yung Purefoods. Wala kaming perang pambili ni Lola, pero ngayon, meron na. Hihihi.

Mamaya-maya, tumunog yung cellphone ko. May tumatawag sa akin. Naks, Nokia tune pa raw yung ringtone ko.

"Hello?"

"Kaylie~" Napaismid ako. Sya na naman.

"Anong kelangan mo?"

"Wala, namimiss ko lang boses mo. Yikii! Kinikilig na yan!" Kilig mo mukha mo. Iritang-irita kaya ako.

"Sige, sabi mo eh." Walang katono-tono yung pagsasalita ko.

"Maniwala ka sa akin Kaylie, hindi kita niloloko. Talagang namiss ko ang boses mo."

"Tigilan mo nga ako Jared. Saka, wag mo akong kakausapin sa school okay?"

"Huh? Bakit naman?"

"Ayokong ma-issue sa iyo. Ayokong sugurin ako ng mga fangirls mo."

"Eh... Sige na nga. Basta ikaw. Ay teka! May kondisyon ako."

"Ano naman yun?"

"Dapat friends na tayo, saka lagi na tayong magtatawagan. Pero hindi kita papansinin sa school. Okay ba yun sa iyo?" Napaisip ako, wala namang masama dun, diba?

"Okay, fine."

"Yehey! Uy, may ikukwento ba ako sa iyo..."

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagtetelebabad. Napatingin ako sa orasan sa taas ng TV at nagulat ako.

"...kasi nga, ahaha! Nakakatawa talaga yun--"

"UWAAH!"

"Oh, bakit?" Halatang nataranta sya nung narinig nya akong sumigaw.

"W-wala. 11 na pala ng gabi? Naku, sorry Jared, kelangan ko nang matulog, wala kasi si lola dito, maaga akong gigising."

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now