Chapter 32

1.1K 19 21
                                    

CHAPTER 32

Hay, undas na naman. Umalis sina Mama at Tito Dave para dumalaw sa sementeryo kasama yung kambal. Si Manang Karing naman, nagluluto sa ibaba para sa Halloween Dinner namin. Aba, sosyal ha.

Dito ako ngayon, nakaupo sa veranda sa kwarto ko. Nakatingin sa ulap, sa kawalan.

Ang tahimik... ang sarap matulog. Siguro, matutulog nga muna ako. Hmm... ang init.

TRAKATAKATAKATAKATAK BOOM!

"AY KABAYO!" Napatalon akong bigla sa kinauupuan ko. Napalingon ako sa veranda ng katabi kong kwarto. Walang tao. Tapos biglang lumabas mula dun si Kuya Xavier.

Nakangiti sya ng todo. Wagas lang. Happiness?

"Kaylie, nagulat ba kita? Sorry!" Tapos kinaway nya yung kamay nya, may hawak syang drumsticks.

"Ah... eh... Ayos lang po ako... Kuya." Nahihiya pa akong tawagin syang kuya.

"May ginagawa ka ba? Tara, dayo ka muna dito sa kwarto ko. Jamming kami eh." Sabi nya. Napangiti ako.

"Sige!" Lumabas ako sa kwarto ko at kumatok naman sa katabi kong kwarto.

Bumungad kaagad si Kuya sa akin.

"Ang bilis ah." Nakangiting sabi nya. "Pasok ka."

Pag pasok ko, hindi lang pala sya yung tao. May iba pa. Para nga silang banda eh.

"Guys, eto ang bagong kapatid ko, si Kaylie." Turo ni Kuya sa akin. "Kay, ito naman ang mga kabanda ko."

Nagpakilala silang lahat. Mababait naman sila, saka puro gwapo! Pero wala nang mas g-gwapo pa sa DEMON KO. MWOHOHOHO.

Umupo ako sa pouf chair malapit sa kama ni Kuya.

"Dude, san na ba si Amboy?" Tanong nung isang kabanda ni Kuya, ummm Art ata ang pangalan.

"Papunta na daw sya." Sabi ni Kuya Xavier.

Okay, little background kay kuya. Si Kuya ay... 18 years old na. College student na sya, second year. Kinukuha nyang course ay Fine Arts. Hindi na ako magtataka, yung kwarto nya puno ng murals. Ginawa nya nang canvas pati yung pader nya. Pero maganda naman ang kinalabasan kay ayos lang.

Pinanood ko sila sa practice ng band nila. Ang asteeeeg. Grabe, parang gusto ko na tuloy magpaturo mag-drums dito kay Kuya eh.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now