Chapter 23

1.1K 15 4
                                    

CHAPTER 23

Si Jared? Wala, binati lang kami. Todo smile pa eh. Happiness kuya?

Lunch na naman, at syempre, diretso agad ako sa cafeteria. Wala akong magagawa, matagal akong maninilbihan sa cafeteria. Potek.

"Oh, paano Best, una na ako. Galingan mo sa pagtitinda ah?" Tiningnan ko ng masama si Niqi. Mang-aasar pa eh.

"Hay nako. Sige na, babay na." Nagpaalam na ako at naglakad papunta sa likod ng cafeteria.

Kinuha ko yung apron, dishwasher naman ako ngayon. Hindi sana ako makabasag ng plato.

Kaso lang, hindi nga ako nakabasag ng plato, baso naman.

*Psingk!*

"Ano yun?" Tanong ni ate na mataray. Napalunok ako.

"A-ah, n-nabasag po yung baso..."

"BAKIT MO BINASAG NAPAKATANGA MO TALAGA!" Tapos hinawakan ako nung mataray na ate sa braso at sobrang higpit ng hawak nya sa akin. Halos bumaon ang mga kuko nya sa balat ko.

"AAH! Ate, tama na po! Masakit! Aray, bitiwan mo ko!" Nagpupumiglas ako pero malakas sya eh.

"Tumigil ka! Hindi mo ba alam na kami ang nagbabayad sa bawat basong nababasag dito? Malaki ang nababawas sa sweldo namin! Ha! Alam mo ba yun ha?!"

"Ate tama na!" Sigaw ko. Pero wala.

Ang feeling ko na tuloy, nasa isang telenovela ako, ako daw ang bidang babae tapos inaapi-api ako.

"WAAAAH!" Walang tumutulong sa akin dahil dalawa lang kami.

"Tumigil ka nga nang kakasigaw! Hala, linisin mo yan!" Tinulak nya ako sa sahig, diretso sa bubog. Naitukod ko ang palad ko sa sahig, at hindi ko alam na sumakto ako sa may bubog. Umalis na yung ate kaya naiwan ako doon sa sahig.

Inangat ko ang kamay ko at may tumulong onting dugo. Tapos, parami na ng parami. Shet. Shet. Nasabi ko bang takot ako sa dugo?

Naramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko, kahit na nakaupo ako sa sahig. Tapos sumakit, sobrang sakit, ang hirap ipaliwanag ng klase ng sakit nya. Gusto kong humiga. Umiikot ang pangingin ko, pinagpapawisan ako ng malamig. Nahihirapan akong huminga.

Humiga ako sa sahig kahit na madumi, nahihilo na ako.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now