Chapter 17

1.3K 18 12
                                    

CHAPTER 17

Nandito kaming lahat at nakatambay sa labas ng clinic sa WTPark. Isang malaking WATDAPAK ang nangyari kanina sa exit ng haunted house.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko, kung matatawa ba ako kasi nahimatay si Jared, mag-aalala ba ako, matatakot sa nangyari...

Hay ewan!

Pero grabe ha, nagulat kami nung natumba sya. Ano yun? Anyareh sa kanya? Hinimatay sya sa takot? Ganon?

"Excuse me..." May lumapit na nurse sa amin. Napatayo si Dale at si Kuya Jeric. "Kayo ba yung mga kasama nung nahimatay na lalaki?" Tumango kaming lahat.

"Bakit po Nurse, ano pong lagay nya ngayon?" Alalang tanong ni Kuya Jeric. Nilapitan naman sya ni Niqi.

"Okay na sya, natutulog sya ngayon, pero kung kaya niyo naman syang buhatin, pwede na rin syang iuwi." Bumalik sa loob yung nurse.

Ugh, nagiguilty ako, kasalanan ko ito eh, kung bakit nahimatay si Jared. T^T

Kasi naman, kung hindi ko siya niyaya eh di sana... sana hindi sya nahimatay.

Okay, natapos na ang uneventful day namin sa paghatid ng van nina Ckai sa amin. Syempre, inuna ako bago sina Jared at Kuya Jeric. Nagising na si Jared, medyo nanghihina nga lang sya. Kawawa naman... Kasalanan ko ito eh.

"Salamat Ckai!" Sabi ko pagkababa ko ng van. "Ingat kayo, sa uulitin ha?"

"Oo Kaylie! Pasensya na at kelangang may mangyari pang ganito..." Malungkot na sabi ni Ckai.

"Ayos lang yun Ckai, wag ka mag-alala, besides, I had fun. Salamat talaga ha?" Ngumiti sya at kumaway. Sinara na niya yung pintuan ng van at pumasok naman ako sa bahay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, mahirap na. Baka kasi natutulog na si Lola, tutal, mga 9 na rin pala ito ng gabi. Naku, wag lang sana sya magalit bukas.

Sinara ko na ang pintuan at pinatay ang mga ilaw. Umakyat na ako sa kwarto at naligo.

Haaay! Ang sarap lang maligo, nanlagkit ako sa WTPark eh, ang init kasi dun sa haunted house, sobra namang lamig sa Iceland. Ayos na ito.

Tinuyo ko muna yung buhok ko gamit yung tuwalya, sabi kasi ni lola masama raw na natutulog ka nang basa ang buhok, nakakabulag daw. Eh? San naman nila napulot yun?

*tooot-tooot tooot-tooot*

Kinuha ko yung cellphone ko mula sa kama ko. May nagtext sa akin.

From: J.Go

Message: Uy, sorry ha. Nasira tuloy yung saya dahil sa akin.

Huh? Gabi na ah, di pa ito natutulog? Nireply ko sya.

To: J.Go

Message: Sorry din, kasi niyaya ko pa kayo sa Haunted House, di ko naman alam na ganun yung mangyayari... Pati, ayos na ba ang pakiramdam mo?

Mabilis naman syang nakasagot.

From: J.Go

Message: Ah, oo, medyo okay na ako. Ano ka ba, walang may gusto sa nangyari. Matulog ka na ha? Good night, sweet dreams. <3

Ahhh... ano yung <3? Ice cream ba yun? Gusto nya ng ice cream?

Di bale, sa Lunes, ililibre ko sya ng ice cream. :)

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now