Chapter 25

1.2K 17 12
                                    

CHAPTER 25

"Nurse! Matilda Pascual po?" Tanong ko sa nurse station pagdating ko sa ospital. Tumingin saglit yung nurse na napagtanungan ko sa computer nya at nagsalita.

"Room 234, fourth floor."

"Thank you po!" Tumakbo ako papunta sa elevator at hinintay na magbukas yun. Ang lakas ng tibok ng puso ko, natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Lola.

Pumasok ako sa room 234, may nurse doon, inaasikaso nya ata yung dextrose ni Lola. Sumilip ako, natutulog sya.

"Ikaw ba yung apo ni Lola Matilda?" Bulong ng nurse sa akin.

"Ah, opo." Mhainang sagot ko.

"Kanina ka pa nya hinihintay. Nakatulog na nga sya eh." Tapos tinapik nya ang balikat ko at lumabas na ng kwarto.

Pinagmasdan ko si lola, himbing na himbing sya sa pagtulog. Maya-maya, narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako.

Pumasok si Mama, at kasama nya si Tito Dave.

"Anak!" Lumapit si mama sa akin. Tapos tumingin sya kay Lola. Kumusta na ang lagay ni Inay?"

"Hindi ko pa po alam eh. Hindi pa po dumadating dito yung doctor." Sagot ko.

"Ganun ba..." Umupo si Mama at si Tito Dave dun sa may parang sofa. Ako naman, sa silya sa tabi ng kama ni Lola. Maya-maya, pumasok na yung doctor.

"Excuse me, kayo po ang kamag-anak ni Mrs. Pascual?" Tumango si Mama. Tapos tumingin yung doctor dun sa parang board board na hawak nya. "It appears na Mrs. Pascual had a mild heart attack but she's in a stable condition now. I strongly suggest na magpahinga sya, or mas mabuti kung malayo sya sa pollution.  Do you have any relatives in far provinces?"

"Ah, meron po." Sagot ko.

"Then, she can stay there. She needs a break from all the stress here in Manila." Ano yun? Aalis kami ni Lola? Paano na ang pag-aaral ko?

"So, Ma'am, here's the medicine she will need to take." Tapos may inabot na piraso ng papel kay Mama. Tiningnan naman yun ni mama. Tapos kinausap pa nung doctor si Mama at umalis na rin sya.

"Anak." Tawag sa akin ni mama. Lumapit naman ako sa kanila.

"Bakit po?"

"Pwede ko bang mahingi ang number ng papa mo? Kelangan ko syang makausap eh." Kinuha ko yung cellphone ko at hinanap ang number ni Papa sa london. Tapos binigay ko kay mama. Nagpaalam syang lalabas muna sya saglit. Naiwan kami ni Tito Dave sa loob ng kwarto.

"Unghhh..." Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Lola.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon