Chapter 43

756 8 3
                                    

Chapter 43

"One, two, three, step. Oh, palit ng pwesto. One, two, three-- Ano ba yan, ayusin nyo naman." Galit na naman si Madam Tosha. Lagi naman syang galit eh. Si Madam Tosha yung prefect of discipline ng school. Resident choreographer din ng mga dance events tulad ng field demo.

"Okay, simula sa simula. Ready! One, two, three, step."

Nagpa-practice na kami ng cotillion para sa prom. Excused kaming mga kasali sa mga klase. Yes naman. Okay lang rin sana yung magpractice kami pero kasi, kelangan sa field talaga? Ang init kaya. Eh di imbis na magmukha kaming maganda sa gabi ng prom, baka hindi na kami makita sa sobrang iitim namin. Joke!

"Angel ko, pagod ka na ba?" Tanong ni Jared.

Nginitian ko sya. "Kaya ko pa naman."

"Sabihin mo kung pagod ka na ha? Para magpahinga ka na lang muna."

"Ikaw, baka gusto mong magpahinga?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Bakit naman ako mapapagod eh kasama ko yung source of energy ko?"

"Aysus. Babanat ka pa." Kinikilig kong sabi.

"Miss Pascual, Mr Go. Please pay attention." Sabi ni madam Tosha sa mic. Nagtinginan naman sa amin yung mga estudyante. Pahamak talaga.

Magkapartner sina Niqi at Dale, na parehong nagpaalam sa mga boyfriend at girlfriend nila. Pumayag naman sina Ckai at Jeric. Si Sab naman, hindi pinayagan sa prom dahil baka mapagod lang sya at saka medyo malaki na rin yung tyan nya eh.

 Nagpatuloy na naman kami sa pagsayaw. Medyo nakuha ko na rin yung ibang steps, lalo na yung sa mahihirap na part, tulad yung magpapalit-palit ng partner, minsan kasi nagkakalituhan na sa kamay na iaabot eh, kaya nagkakabuhol-buhol yung grupo namin.

Prom Night

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن