Chapter 14

1.4K 17 22
                                    

CHAPTER 14

So kagabi, hinatid ako ni Jared. Kunyari daw wala lang sa akin per deep inside, nagtatatalon ang puso ko sa kilig! Oo na, inaamin ko na sa buong madla, may crush ako kay Jared. May masama ba dun? Wala naman siguro, unless may girlfriend sya.

Eh pero crush ko lang naman sya eh.

Saka ang alam ko, wala naman syang girlfriend.

Ah, ano bang pakialam ko?

Wala akong pake no, crush ko lang sya eh. Bakit? Mahal ko na ba sya? Di naman ah?

"Apo?"

"AY ANAK KA NG PUTING KALABAW! Lola naman, wag kayong manggulat!"

"Eh hindi ka kasi kumakain dyan eh." Tumayo si Lola at hinipo ang leeg at noo ko. "May sakit ka ba? Gusto mo pumunta tayo ng doctor?"

"La, wala po akong sakit. May iniisip lang po ako." Paliwanag ko.

"Oh sya, kumain ka na muna dyan ha. May lakad ka ba ngayon?"

Umiling ako at sumubo. "Wala po."

"Ah ganun ba? Naku, tumawag ang papa mo, nagpadala na naman daw sya ng pera. Parang sunod-sunod na ata ang padala ng papa mo ah?"

"Talaga La? Eh di kukunin ko na lang po mamayang 9. Kayo po ba may lakad?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, oo. Uuwi ako ulit ngayon sa probinsya, sasama ka ba? Sabado naman ngayon."

"Ah, hindi na ho La, baka kasi biglang magyaya si Niqi eh. Maiwan na lang ho ako dito. Yung pera, itatago ko na lang po sa kwarto."

"Ah, o sige, bilisan mo na ang pagkain mo dyan. Ikaw na rin ang maghugas ng mga plato. Magaayos na ako." Umakyat na si Lola sa kwarto nya.

Ano ba yan, tinatamad pa naman akong magtrabaho. Pero syempre, ayoko namang pagalitan ako ni Lola kaya hinugasan ko na yung mga plato. Patapos na ako nung bumaba si Lola at nagpaalam na aalis na sya. Bongga ni Lola, pa-uwi-uwi lang sa probinsya.

Kinawayan ko lang sya at sinara na nya yung pinto.

Mag-isa na naman ako. Ang lungkot, forever.

"Tao po..."

Oh, may kumakatok sa pintuan. Sino namang bibisita ngayong hapon? Siesta time tapos mangangapitbahay? Ayos ah.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now