Syete ano to? Hala! Hala! Hala! Papalapit na sila.

Nasilaw ako sa sunud sunod na flash. Otomatikong naitaas ko ang kamay ko para harangan ang aking paningin. Do'n na 'ko kinabahan at nagulat dahil sunud sunod na ang tanong nila.

Lalo pa't nakalantad na ang singsing sa kanila.

Maingay. Tanung sila ng tanong.

Nang maaninag ko na mukang malapit na sila sa pagdamba sa'kin ay agad akong pumasok sa loob. Ni-lock ang pinto at napaupo sa sahig.

Hindi ako mapakali. Bakit sila nandito sa bahay? Pa'no nalaman ng mga reporters ang tungkol sa'min?

Mas naging aligaga ako nang kumatok sila at nagsisigaw ng mga tawag at tanong. Sa tingin ba nila ay sasagot ako?

Hinalungkat ako kinuha ko ang phone sa bag. Kailangan kong tawagan si Seven.

Isang ring lang ay sumagot na siya. Halos magkalitu lito na ko sa pagkwekwento sa kanya kung anong nangyayari.

"Stay there and wait for me." Tumango tango ako kahit alam kong di niya makikita.

Ilang sandali pa ay tumahimik sa labas. Wala nang mga katok at tawag. Baka wala na sila? Napagod siguro at umuwi na...

Akala ko wala na talaga kaya hinawi ko bahagya ang kurtina at sumilip. Napasinghap ako at bumalik sa likod ng pinto.

Syete! Iniinterview ng ilan ang landlady ko. Syete talaga!

Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumatok ulit. Mukang pilit pang binubuksan ang pinto. Narinig ko ang boses ni Seven kahit na ang ingay ingay. Hindi ako nagdalawang isip na pagbuksan siya.

Mabilis pero maingat ang pagpasok nito. Hinarang niya pa ang katawan para masiguradong hindi ako makukuhanan ng litrato.

"Anong nangyayari? Umalis na ba sila? Marami pa ba?" Nababahala kong tanong.

"It's fine. Stephen's taking care of it. Okay ka lang? Are you hurt?" aniya habang sapo ang aking mukha.

Umupo kami sa sofa. Maingay parin sa labas pero unti unti itong nawala. Nang sumilip kami ay tuluyan nang nawala ang mga tao. Pumasok si Stephen at kinausap ni Seven.

"Take care of the media. Make sure that they have no photos and find out who blabbed about this."

"Yes, master Seven."

Umalis na siya matapos. Kasa kasama ang ilang mga lalaking tauhan ni Seven. Napahugot ako ng malalim na hininga. Buti naman at tapos na ang lahat. Nataranta talaga ako kanina. Yung mga tingin nila, mga tanong, mga sigaw, ang flash ng camera... Ayoko talaga ng atensyon.

"Pack your things. You''ll living with." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad akong umiling matapos niyang umupo sa tabi ko.

"Ayoko."

"Princess..." malumanay niyang sabi. "They know where you live. Maaring tapos na ngayon pero alam kong babalik sila dito. I can't protect you if you're still gonna stay here."

"Pero..."

"You're not used to them, right?" napayuko ako. Inangat niya ang mukha ko gamit ang mga daliri. "C'mon, princess. We're engaged now. Walang mali do'n. Hindi ako palagay kapag nasa malayo ka."

Napakagat nalang ako ng labi at dahan dahang tumango. Ngumiti siya at dinampian ako ng halik sa labi. "Kelan?"

"Now."

The Good Between BadWhere stories live. Discover now