#47//: HIS REASONS

Start from the beginning
                                    

Nagulat nalang ako nang nakita kung may lumabas na lalaki sa loob ng maliit na bahay na iyon. Gusto ko balaan si Kuya kaso huli na. Nahuli si Kuya at tinanggay siya papasok sa loob ng bahay na iyon.

Kinabahan ako. Baka kung ano ang mangyari sa kapatid ko. Hindi nagtagal ay nakuha ko na lumapit sa bahay at sumilip sa may bintana...

"Breaking the law of the Bottom Mr.Death?" Natatawang sabi nung maputing babae saka nilabas ang kanyang pocket knife.

"Huh!" Si Kuya saka dumura sa harap nung babae. Ang dami na rin nitong sugat. Marahil sa gawa ng mga taong iyan. "S-so... kayo pala ang nasa likod ng mga maaangas niyong maskara..." Pahingal-hingal ni Kuyang sabi.

"Why are you following us?" Kalmadong tanong nung lalaki na nasa harap ng computer.

"Yeah. Youre breaking the rule of the Bottom. Are you really wishing for your death?" Iyong maliit na babae.

Nagsindi ng sigarilyo iyong babaeng naka-itim na bestida at nag-iisa nalang na may suot na eye mask. Siya si Silent Queen. Sigurado ako doon. Nakita ko kung paano niya lampasuhin ang Kuya ko sa bottom kahit na mas malaki sa kanya si Kuya.

"And you're smoking huh. Why don't show your face Silent Queen?" Kuya.

Natawanan ang mga kasama nito. Parang tuwang-tuwa sila sa nakikita sa Kuya ko.

"Death. You are so pathetic. Bagay sayo ang name na Death. Because your death is coming for you." Si Silent Queen saka pinantay ang ulo kay Kuya.

"You followed the wrong people idiot. You wanna die? Then let me kill you... slowly..." Pagkasabi nun bigla nalang nito tinusok sa mukha ni Kuya ang hawak nitong sigarilyo.

"Ahhhh!!" Nangibabaw ang boses ni Kuya. Napahawak ako sa bibig ko. Ang sama niya. Tao pa ba siya? Ang sumunod nalang na nakita ko ay minarkahan na nito si Kuya ng X sa mukha.Puro dugo na si Kuya. Wala ba talaga silang awa?!

"O-okay I think that's enough?" Awat nung maliit na babae doon kay Silent Queen.

"Yeah. C'mon Kim..." Umawat na rin iyong lalaki na nasa may harap ng computer. Pero mukhang ayaw paawat ni Silent Queen. "I said enough!"

Pero imbes na huminto, bigla nalang nito binunot ang baril ni Kuya at tinutok dito. Napaatras ako a nakita ko. Hindi sinasadyang ma-out of balance ako dahilan para bumagsak ako at ang mga yero at kahoy sa tabi ko ay nagbagsakan rin.

Hindi ko malaman ang gagawin. Narinig ko nalang ang papalapit na yabag ng paa. Kaya naman dali-dali akong gumapang papatago doon sa may kumpol ng mga yero. Nagkasugat-sugat pa ako dahil pagsabit ng balat ko. Pero hindi iyon ang iniinda ko ngayon. Mas natatakot ako dahil nasa kamay nila si Kuya. At may hawak silang baril. Napaka-duwang ko. Wala akong magawa para tulungan ang kapatid ko.

Napatakip ako ng bibig ng huminto sa mismong harap ko ang lalaki. "So c'mon out. Im not gonna kill you, you know hahaha" Narinig ko pang sabi nito.

Abot-abot ang kaba ko. Siya rin ang lalaking nakahuli kay Kuya kanina. Akala ko katapusan ko na ng yumuko siya at nakita ko ang mukha niya.

"Tsk. Daga lang pala." Sabi pa nito saka umalis sa may pwesto ko.

Hindi ko na nakuhang umalis sa pwesto ko. Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon. Pinikit ko nalang ang mata ko at saka umiyak ng tahimik. Sana walang mangyaring masama kay Kuya. Hindi ko yata kaya na pati siya mawala saken.

"Hindi ako isang talunan... hindi !" Kasunod ng mga salitang iyan ang ang pagputok ng baril.

Nanigas ako sa narinig ko. Putok ng baril. Hindi....

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now