#46//: THE IDENTITY REVELATION

Beginne am Anfang
                                    

Paglabas ko ay nag-abang na agad ako ng cab then dinial ko number ni Cha pero walang sumasagot. Tinuloy ko lang ang pag-dial ng number ni Cha hanggang sa nakasakay na ako ng taxi.

"Manong sa Greenwoods po... pabilis lang po salamat.." Sabi ko sa taxi driver habang todo contact kay Cha ng paulit-ulit.

"Cha answer your phone please." Bulong ko sa sarili ko kasi nakaka-frustrate kaya magdial ng magdial.

Nagulat nalang ako ng biglang umalog iyong sinasakyan ko. Ano yun?! Hindi pa ako nakakarekober nang biglang umalog na naman ang sasakyan namin.

"Manong ano pong nangyayari?" Tanong ko kay Manong.

"Maam may kaaway ba kayo? May humahabol po kasi satin ngayon." Sabi ni Manong.

Umalog na naman ang sasakyan namin dahil may bumabangga pala sa likuran namin. Napatakip ako ng bibig.

"Manong hindi po kaya kayo ang hinahabol? Wala naman po kasi akong kaaway kanina." Sabi ko pa.

Hindi na nagawang sumagot ni Manong dahil sa lakas ng pagbangga sa tagiliran na ng taxi kaya naman tumilapon na ako sa kabilang side ng taxi. Nabitawan ko yung cp ko... nang makarecover ay umupo ulit ako.

Only to find out na ang tinatahak na namin ay ang barricade ng tulay. Nanlaki ang mata ko saka lumapit kay Manong kaso wala na itong malay at kumakalat na ang dugo sa likod nito. Nataranta ako ng mabasag ang salamin ng sasakyan sa likod ko.

Omo! May baril ang mga humahabol samin. Pero nilakasan ko lang ang loob ko at pumunta agad ako sa harap at kinabig yung manibela kaso wrong move dahil sa bangin ang punta ko ngayon.

"Oh my gosh! NO!!" Tili ko ng lumipad na ang sasakayan sa bangin.

. . . Diane POV . . .

FLASHBACK

Pagdating namin sa loob ng bahay nila Jae ay pinakita niya sa akin ang isang gift na same dun sa iniwan niyang regalo sa may lake side. Nilabas niya pa iyon sa dala niyang backpack saka inabot saken.

"Dalawa yung regalo?" Naguguluhan kong tanong dito.

"Hindi. Ito talaga ang regalo na iniwan dun sa may resort. Pinalitan ko lang dahil kung hindi buong clubhouse ang sasabog sa lakas ng bombang ito. Mas mahina ang bombang iniwan ko dun. And as you can see this style of wrap is exactly same as mine. Meaning ako talaga ang pinalalabas na masama ng threatener na iyon."

"You mean hindi sayo galing ang mga narerecieve namin?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Its up to you kung maniniwala ka or hindi. It doesn't matter anyway." Bored na sabi nito.

Napaismid naman ako. This arrogant jerk. Wala pa ring pagbabago. But I still feel happy na sana hindi nga siya ang threatener namin.

"Teka lang... bakit nag-iwan ka pa rin ng bomba dun? Baka may masabugan. Im worried kay Cha. Baka maabutan niya iyong pagsabog ng bomb."

"Mahina nalang iyon. Malakas lang sumabog iyon pero kung nakadistansya ka di ka ma-aapektuhan. At kailangan ko iyon gawin dahil para di maghinala ang may utak lahat ng ito na may alam na ako sa mga pinag-gagawa niya. At sa tingin ko may tao siya sa loob ng clubhouse na iyon kaya kung walang pagsabog na mangyayari siguradong magtataka sila... mabuti na itong ako ang pinaghihinalaan muna para malaya pa akong makagawa ng sarili kong action.." Ngumisi ito after niya ilahad saken ang mga nangyari.

"Oh my! Bakit ngayon mo lang ito sinabi saken?" Sabi ko na naliwanagan na.

"Actually I don't have any intention to tell you. I think its much more convenient for me to make my own move if you keep suspecting me dahil iyon naman yata talaga ang plano ng threatener. But since nakita mo na ako. It leave me no choice. And I know na baka kung anong gawin mo saken kapag ang iniisip mo pa rin na ako ang nanggugulo sa inyo so sinabi ko na ngayon."

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt