#43//: The Photos

Start from the beginning
                                    

"Pera kailangan ko adik..." Protesta ko sa kanya.

Pero tinawanan lang ako nito. Sigh.

. . . Sarah POV . . .

Mas naging cold na talaga si Cha sa amin. Apekatado yan sa break up nila ni Leader. Ayaw lang talaga ipahalata. Hindi ko nga alam kung bakit ganun iyon eh. Lalo siyang naging ganyan after nung New Year. Ano kayang nangyari kay Cha?

"Sarah ano bang dahilan ng break up ng great couple?" Curious na tanong saken ni Ally, isa sa mga members ng fans club nina Leader at Cha.

"No comment..." Comment ko na nag sad face sa kanila.

"Kailan pa sila nag-break?" Tanong naman ni Trisa na taga kabilang section naman.

"Pwede ba sila nalang tanungin ninyo..." Pagtataray ni Luisa sa mga ito.

"Ang taray naman ... parang di ka namin kapwa reporter." Nakasimangot na sabi ni Jana kay Luisa.

"Kaya nga Luisa. Damot sa info..." Trisa.

"Hehehe sila nalang kasi tanungin niyo." Sabi ni Luisa sa mga ito saka nag-v sign.

"Eh nakakatakot na kaya si Prince Minhyun." Sabi ni Ally. "Ang sungit daw."

"Oo nga. Tapos si Balle naman parang di makakausap ehhh... nakakatakot rin..." Trisa.

Ilang minuto pa ang lumipas ng umalis na kami ni Luisa sa fans club room ng CharLeader o Chahyun Loveteam. Malungkot kasi nagsialisan na rin ang mga members. Wala na ang fans club na tinayo ko. Sigh.

Three days na kaming pumapasok. Si Cha ganun pa rin. Cold pa rin maging sa aming mga kaibigan niya. Hindi ko rin alam kung bakit pati kami nadamay. Kaiyak huhuhu. Pagdating namin sa room ay nakita namin si Cha na naka-ubub sa armdesk nito. Lagi nalang siyang ganyan.

Kami nila Ange ang naiinis sa tuwing magsasabi ng masasama ang mga tao tungkol sa kanya. Gusto namin itama na hindi si Cha ang hiniwalayan. Siya po ang nakipaghiwalay kay Leader. Kaso pinigilan lang kami ni Cha. So heto kami walang magawa kundi sumunod.

"Mga classmate papasok na ulit ang mga Prince!" Sigaw ni Chocolate na nasa may pintuan ng room at binubudburan na naman ng pawndesyun ang mukha niya.

First and Second day of resume ng class ay hindi pumupunta ang mga Prince dito sa High School Department. Andun lang sila sa RP Building. Akala nga namin aalis na sila sa pagiging regular students. Iyon kasi iyong kumakalat na tsismis. Kaya nakakagulat na papasok na sila ngayon.

Maya-maya ay pumasok na ang mga Prince pero di sila naka-uniform. Wow ang hot nila huh. Hehehe. Nakatingin lang kami sa tatlong RP na classmate namin. Si Prince Baekho ngumiti pa sa amin. Si Prince Ren naman as usual naka-serious look lang. Pero ang malala ay ang aura ni Leader. Nakakatakot. Ang seryoso masyado.

"Prince totoo bang wala na kayo ni Balle?" Malanding tanong ni Chocolate kay Leader saka pumulupot ang kamay sa braso ng huli.

"YOU. BETTER. GET. YOUR. DIRTY. HANDS. OFF. ME." Nakakatakot na sabi ni Leader. Bawat salita ay ay madiin at animo nagbabanta ng kamatayan.

Wahhh! So totoo nga na bumalik sa dati niyang ugali si Leader? Kasi lagi naman siyang ginaganyan ni Chocolate tapos ang gagawin niya lang sasamaan niya ito ng tingin pero di naman niya pinagsasalitaan ng ganyan.

Pahiyang-pahiya si Chocolate kaya nag walk out ang bakla with matching ngawa pa. Si Prince Ren at Baekho di nalang nagreact. Takot rin siguro na masampulan ni Leader.

Ang kaninang klase namin na mainggay ay biglang natahimik ng dumating ang mga Prince. Nilingon ko si Cha. Naka-ubob pa rin sa armrest niya. Still walang pakialam sa paligid. Pero biglang umangat ang ulo niya. Mukhang nagising yata dahil sa katahimikan.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now