"Hindi ko alam." Nagkibit balikat siya. "May payong ka ba?"

"Huwag mong sabihing may ekstra ka ring payong na ibibigay mo sa'kin."

Ngumiti siya pati ang kanyang mga mata. "Hindi. Dahil makikisukob ako."

Humagikhik ako. "Sige na nga."

Umiling siya. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya habang papalabas kami.

Malakas parin ang ulan. Lalo pa atang lumakas ito kesa kanina.

Nagmadali kami papunta sa parking lot. Inakbayan niya 'ko at hinapit papalapit. Hindi ko na ito pinansin kahit naiilang ako sa sobrang lapit namin. Natural lang 'yon dahil pang-isahan lang talaga ang payong ko.

Simpleng silver na ford lang ang sasakyan niya hindi gaya nung kay Seven. Binuksan niya ang pintuan at nagmadali akong pumasok. Kinuha ko ulit ang bimpo ko at pinunasan ang basing braso at binti ko.

Tumunog ang pintuan tanda ng pagbukas at pagsara nito. Medyo basa rin siya kagaya ko kaya ibinigay ko sa kanta ung Good Morning towel ko.

"Thanks..." Aniya.

Aabutin ko sana ung payong na hawak niya pero biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko. Ang pagtataka ko ay napalitan ng gulat. Hinigit niya ang braso ko palabas ng sasakyan. Narinig ko ang pagtawag ni Ralph sa pangalan ko.

Agad na dumampi ang ilang patak ng ulan sa katawan ko bago ito huminto. Tumingala ako. Malamig pero nag-iinit sa gallit ang mga mata niya.Kinuha niya ang bag ko. Hinila niya ko palapit bago padabog na isinara ang pinto ng sasakyan.

"Seven..."

"Shut up." Kinilabutan ako. Hindi dahil sa panahon kundi sa lamig ng boses niya.

Medyo marahas ang paraan niya ng pagpasok niya sa'kin sa sasakyan. Niyakap ko ang bag ko at kinagat ang labi ko.

Pumasok siya. Tahimik ang lahat sa pagitan namin. Nay hinala ako kung ano ang ikinagagalit niya. Sumama ako kay Ralph kasi nag-alok siya na ihatid ako. Hindi ko naman alam na susunduin niya 'ko. Dinungaw ko siya. Matigas ang panga niya at mahigpit ang kapit sa manibela. Yung payong na ginamit niya nasa paanan. Nagpakawala ako ng malalin na hangin.

"Pasensya na... U—muulan kasi kaya..."

"I don't want you anywhere near him or any other guy. Do you understand?"

"Pero kasama ko siya sa clu—" mabilis ang paglingon niya. Namumula siya sa galit. Madilim ang mga mata niya at napalunok ako sa lamig ng mga 'yon.

"Do you understand?"

Unti unti akong tumango. Napayuko ako. Hindi na 'ko nagsalita pa. Gusto kong sabihin na hindi tamang pagbawalan niya 'ko nang gano'n pero anong magagawa ko kung ganyan ang emosyon niya.

Ginalit ko siya dahil sa ginawa ko.

"Hindi 'to ang daan pauwi." May pag-iingat kong sabi.

"All ways to your house are already flooded. Hindi na tayo makakadaan do'n."

Pamilyar sa akin ang daanan. Tinatahak namin ang daan sa bungad ng syudad. Papunta sa bahay niya.

The Good Between BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon