"Sshh..saan mo ba nakukuha yan? Hindi mangyayari yun. I'll be with my family lang. Ikaw din. Ganito, mag bonding nalang kayo ni Carly sa bahay niyo."

Napabuntong hininga si Julie. Mabuti nalang naniwala na siya. Nakarating na kami sa rooftop ng isang hotel. Bumaba kami at nakita ko ang kotse ko na nanhihitay doon. Sumakay na kami para maihatid ko na si Julie sakanila. Ilang sandali pa nakarating na kami.

"So? I'll be seeing you tomorrow?"

Napangiti naman si Julie sa sinabi ko.

"Basta hihintayin mo ko sa altar ah? Wag kang aalis hangga't hindi ako dumadating ah?"

Tumango naman ako. "Hinding hindi ako aalis."

"Good."

Hinalikan niya ko sa pisngi.

"See you tomorrow my groom."

Napangiti ako. "See you tomorrow my bride."

Matapos namin magpaalam sa isa't isa, bumalik na ko sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nakita ko na nakahanda na sila Daddy.

"Ready na kayo ah?"

"Son!"

Lumapit agad si Mommy para yakapin ako. Yumakap naman ako pabalik. Humawak siya sa braso ko. Siguro nanglalambing si Mommy dahil bukas na ang kasal ko.

"Tara na at mag spend ng time kasama ang mahal nating anak."

Sabi ni Daddy. Umalis na kami at nagpunta sa isang sports club. Naglaro lang kami doon ng mga kapatid ko. Ang saya saya. Para lang kaming mga bata habang si Mommy at Daddy naman ay pinapanuod kami. Nang matapos kumain naman kami ng tanghalian sa isang mamahaling restaurant. Dumaan din kami sa restaurant ko nung bandang hapon. May hinanda kasi ang mga empleyado ko doon na maliit na salo salo. Dito na din namin napili na kumain ng hapunan.

"Are you happy, son? Alam ko dapat nagpapahinga ka nalang ngayon."

"Sobrang saya po Dad. Pero bakit parang ang tahimik ni Mommy? Kanina ko pa napapansin yun."

"Because of you, Son. Ganyan talaga ang mga ina. Mahihiwalay ka na kasi sakanya..samin kaya sigurado ako hahanap hanapin ka niya. Hayaan mo muna ang Mommy mo. Sigurado ako na kinakaya niya lang mga ito. Sinasay ba ang sarili."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Daddy. Umuwi na kami sa bahay. Napagod ako kaya nag wash up muna ko. Maaga akong pinapatulog ni Daddy kasi tumawag daw si Cheska at sinabi na kailangan hindi ako mapuyat.

"Kuya?"

Napatingin ako sa may pintuan. Si Clara.

"Oh baby? Bakit?"

"Wala naman. Di lang ako sanay na hindi ka na uuwi dito bukas."

"Aww. Lika nga, hug mo ko."

Yumakap naman siya. "Hindi naman ako mawawala eh. Palagi pa din akong dadalaw dito."

Maya maya pumasok naman si Arkin at Frank.

"Bro, kakasal ka na talaga." Sabi Frank.

"Kuya, dumalaw ka palagi ah? Wala na kong best kuya ever."

Natawa naman ako ng batukan ni Frank si Arkin.

"Nandito pa ko."

"Di ka naman best, Kuya eh. Si Kuya Elmo lang kasi palagi akong may prize dyan."

"Asus, sipain kita arkin eh."

Nagtawanan naman kami. Pumasok naman ngayon sa kwarto ko si Saab at Max. Niyakap nila ako.

"Hug naman sa Elmo namin." Sabi ni Saab.

"Mamimiss ka namin, bro. Ingatan mo si Julie ah?" Sabi ni Max.

Tumango naman ako. Maya maya si Daddy naman ang pumasok.

"Kayo talaga. Pagpahingahin niyo na muna yang groom natin. Kailangan hindi siya mapuyat."

"Yes Dad." Sabay sabay nilang sabi.

Lumabas na sila. Naiwan kami ni Dad. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"I'm proud of you, son."

"Thanks Dad."

Ngumiti siya sakin.

"Puntahan mo muna si Mommy mo."

Naglalad ako papunta sa room nila Mommy pero pagpasok ko wala naman siya doon. Bumaba ako para hanapin siya at nakita ko siya sa may gallery room. Bukas na pala yun? Kakapagawa lang kasi ng part na yun. Pumunta muna ko sa kusina para kunan siya ng paborito niyang hot tea at ako naman hot chocolate. Bumalik ako sa gallery room.

"Mom?"

Napatingin siya sakin. "Son?"

Nilapag ko sa harap niya ang hot tea.

"For you."

"Thanks Son."

Tiningnan ko kung anong tinitingnan ni Mommy. Nakita ko ang mga larawan ko nung baby pa ko. Napangiti naman ako. Binaba ko ang iniinom ko na hot choco at lumapit sakanya.

"Mommy, wag ka ng malungkot. Dadalaw naman ako eh."

At hindi na nakayanan ni Mommy at umiyak na siya. Pinatahan ko naman siya. Kinuha ko ang kamay niya at isinayaw ko siya.

How do i live without you..

I want to know

How do I breathe without you..

If you ever go

How do I ever, ever survive..

How do I? How do I?

Ohh..

"How do I live?"

Tiningnan ko si Mommy matapos ko siyang kantahan. Pinunasan ko ang luhang pumapatak sakanyang mata. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Mom, you will always be my mom and living without you is also hard for me. But this is the part we have to accept. Me getting married to the girl i love the most."

Tumango siya sakin at ngumiti.

"You will always be my baby boy, Elmo. Maybe you're right, this is the time that I have to let my son grow."

"Thank you Mommy."

"I love you honey."

At hinalikan niya ko sa pisngi.

To be continued..


Love at First SightWhere stories live. Discover now