Fifty-Fourth One

Magsimula sa umpisa
                                    

"Elmo."

"Po?"

Ngumiti siya sakin. "Gusto ko lang magpasalamat sayo. Salamat kasi binigyan mo ng panibagong pag-asa ang anak ko na makakahanap siya ng taong totoong magmamahal sakanya. Aaminin ko, nung naghiwalay sila ni Kyle? Sinabi ko sa sarili ko na kapag may nanakit ulit sa anak ko? Papatay na talaga ako. Masakit sakin bilang ama na makita si Julie na umiiyak sa harap ko at sabihin na niloko siya ng taong minahal niya."

Uminom siya ng wine. Nakikinig lang ako sakanya.

"Kaya nga nung pinakilala ka niya sakin, hindi agad ng process sa utak ko ang sinabi niya na mahal ka niya kaagad. Mabilis ang pangyayari pero nung nanindigan ka para sakanya. Doon ako naniwala na baka ito na nga ang tamang tao para sa anak ko."

"Papa.."

"Wag mo siyang sasaktan ah? Minsan may pagkabayolente yun so pagtyagaan mo na."

Natawa naman ako. "Opo Papa."

"Wala kasi akong anak na lalaki. Puro babae ang anak ko at iiwan na ko ng isa sa mga prinsesa ko. Pero naisip ko, okay lang yun kasi alam ko na gagawin mo siyang reyna."

Tumango naman ako. "She's my queen, Papa. Hinding hindi na po magbabago yun."

"Salamat. Konting konti nalang, ikakasal na kayo. Alagaan mo ang anak ko ah?"

"Makakaasa po kayo."

May kinuha siya sa bulsa niya. Inabot niya sakin ito.

"Alam ko na kaya mo siyang ibili kahit sampu pa niyan pero sana tanggapin mo pa din. Gusto ko kasi ikaw ang unang makaalam. Alam ko naman na magugustuhan mo din ang regalo ko kahit ang sa tingin kong mas magiging masaya dito ay si Julie"

"Bakit? Ano po ba ito Papa?"

"Susi yan ng bagong store niya. Hindi naman ito ganun kalaki at hindi din naman ito ganun kaliit. Tama lang. Gusto ko kasi na tumulong sa pagtupad ng pangarap niya na magkaroon ng isang clothing store. Yan lang ang binili ko kasi alam ko na gusto niya na magsimula sa maliit lang."

Napangiti naman ako. "Masaya na po ako sa regalo niyo samin Papa. Wag po kayong mag-alala sigurado ako na magugustuhan ito ni Julie."

"Salamat, Elmo. Paano ba yan? Nauna na ko. Kailangan mo na pumunta doon sa unahan para sila naman ang magbigay sayo ng regalo."

Natawa naman ako at tumango.

"Sige po, Papa. And Papa?"

"Hmm?"

"Salamat po at pinagkatiwala niyo po sakin ang anak niyo. Pangako ko po na mamahalin ko siya hanggang sa mawalan na ko ng buhay."

Tumango naman siya at ngumiti. Bumalik na ko sa mga kaibigan ko. Sila Kuya Frank at Arkin nagbigay sakin ng isang malaking unan. May nakasulat doon na, Best brother. Natawa naman ako. Yung iba kong mga kaibigan nagbigay ng kung ano anong damit. Yung iba wine.

"Ako naman ang magbibigay."

Lumapit sakin si Sef. Inabot niya sakin ang isang box. Maliit lang ito. Ngumisi siya sakin. Binuksan ko ito at halos ihagis ko sakanya pabalik.

"Walangya ka talaga, Sef!"

Natawa naman siya. "Kakailangan niyo yan ni Julie."

Napailing nalang ako. Paano ba naman nagregalo siya ng condom. Baliw talaga. Yung iba naman boxers. Sinakyan ko nalang ang trip ng barkada. Mga baliw talaga. Lumapit naman sakin si Daddy.

"Son."

"Dad."

Ngumiti siya. "Una muna sa lahat gusto kong sabihin sayo na proud ako sayo. Natupad mo kung anong pangarap mo. Tingnan mo nga naman, isa ka sa pinaka mayaman sa buong asia. Mas mayaman ka pa sakin!" Biro niya.

Natawa naman ang lahat.

"Pero ayun nga, basta palagi mong tatandaan na proud ako sayo. At sana maging masaya kayo ni Julie. Ireregalo ko na sayo ang hacienda ng Mamita mo. Alam ko naman nung bata ka palang gustong gusto mo na ang hacienda doon."

Natuwa naman ako ng malaman ko yun.

"Thank you Dad!"

"Welcome Son."

Matapos ang bigayan ng regalo lumayo muna ko sakanila para kamustahin si Julie. Tumawag ako sakanya pero walang sumasagot. Hindi pa rin tapos ang bridal shower niya? Maya maya pa sumagot na ito.

"Yam!"

Walang nagsalita.

"Yam?"

"Mmmm..ahhh..mmmm.."

Nanigas ako sa narinig ko. Anong nangyayari? Bakit umuungol si Julie?

To be continued..h


Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon