Ch. 24: Missing in action

Start from the beginning
                                    

Nagsilingunan ang iba sa'kin, kinuha naman ni Nathe ang hawak ni Nikko, napaismid ito. "Wala ka talagang taste, Nikko."


"Aba nagsalita ang meron!"


Si Josh man ay may tinaas din na picture. "Mas bet ko 'to. Tamarra is so plain, itong picture ni Caile with Aimee ang kabog. Too much for one picture. May chemistry!"


Iniwan na ni Millie ang study table ko at nakiupo sa kama. "Define chemistry muna, Josh."-natahimik si Josh. Naihilamos ko ang kamay sa mukha.


"Anong ginagawa niyo dito?"-tanong ko kahit halos alam ko na ang reason. Makikipagkwentuhan lang sila sa mga ganap kahapon. 


"Icocongratulate ka, prend."-sagot ni Nathe. 


"Mga ilang congratulations pa ba mula sa inyo ang matatanggap ko? Eh halos kayo nalang ang pumalibot sa'kin kagabi eh."


Last night, believe it or not, I have been crowned as Mr. Thelistine, and my female counterpart?It's Aimee. Bilang kaming dalawa ang nanalo, may responsibility kaming manguna sa pagpropromote ng school sa kahit anong aspeto at kami rin ang lalaban sa pageant event sa interhigh. After ng awarding kagabi ay mabilis kong hinabol ang Director at kinausap na pwede akong manguna sa promotion pero hindi ko na kakayanin ang isa pang sabak sa pageant bilang male representative naman ng school. Hawak ko na ang SC at hindi na kakayanin ng schedule ko ang puspusang practice para sa isa pang pageant. He decided na ang first place na si Andy nalang ang ilalaban. Pagkaalis ko ang siya namang paglapit ni Aimee sa Director at bago ako makalayo nakaringgan ko pa na iyon din ang agendang inopen ni Aimee sa Director. Hindi ko na nga lang narinig ang reason niya at hindi ko rin alam kung pumayag ba uli ang director. Kung sakaling magbaback out din siya, si Tamarra ang papalit sa kanya bilang si Tamarra ang first placer sa babae.


"Ano ba! Sa tuwa namin baka hanggang monday eh icocongratulate ka namin. Pak na pak talaga 'yung susi eh. I myself wants to be a special key blah blah blah, piririrot, blah blah blah uli."-with so much feelings ang ginagawang pag-iimitate ni Nathe sa sinabi ko kagabi, nasagwaan naman kami sa kanya.


"Ay prend, nga pala, alam kong hindi mo alam 'to."-lumapit sa'kin ni Nikko habang may kinakalikot sa phone niya. Maya maya pa ay inabot niya sa'kin iyon. Nakaopen ang Thelistine High site sa phone niya. "Trending kayong apat nina Tamarra, Andy at Aimee buong gabi last night at hanggang ngayong maghapon. Power couple ang tawag sa inyo."


"Power couple? Paano?"-lumapit si Nathe at nakisilip sa phone. 


Oo nga, paano?


"Ewan. Ang lakas niyong apat kagabi eh. May shippers na nga kayo eh."-may kung anong clinick si Nikko sa phone niya. "Ayan, may shipper na kayo ni Tamarra dahil sa picture niyong magkasama habang paakyat sa SCO before ang pageant, dahil na rin sa pagpiggyback mo sa kanya. Tingin ng iba bagay kayo, shiniship nila kayo kasi hindi nila alam na si Tamarra eh may boyfriend na. Tapos eto pa."-may pinindot pa siyang kung ano, hindi ko masundan ang daliri niya kasi mabilis. "May shipper din kayo ni Aimee. Nagustuhan ng iba 'yong picture niyo before ang pageant kung saan nakasandig sa'yo si Aimee... uh, prend, anong scene 'yan? Parang dramatic eh."-tinignan kong maigi iyong picture, muntik ko nang makalimutan na may ganyang ganap. Iyan 'yong time na sinamahan ako ni Millie na bumaba sa auditorium, hindi ako makababang mag-isa dahil nga nangingilabot ako sa mga tingin ng students sa'kin. Feeling ko may nagawa akong masama na anytime ay susugurin nila ako. Tapos nakita namin si Nathalie at Aimee na magkaharapan, dapat papanoorin lang namin sila mula sa pwesto namin pero may tinanong si Nathalie na nakapagpatigil kay Aimee. Tapos naalala ko bigla na wala na ang mama niya, at kung nasa'n ang papa niya, hindi ko alam. 



I felt like I need to stop them, Nathalie particularly, pero bago pa ako kumilos ay nauna na si Millie, lumapit siya kay Nathalie para sawayin na ito. Kilala niya ang babae. Habang ako naman kay Aimee lumapit. Nakatingin lang siya sa sahig pero naramdaman ko na naiiyak siya dahil sa kibot ng labi niya. Then without thinking, I offered my shoulder to her.


Iyon ang kwento sa likod niyang picture pero hinding hindi ko sasabihin iyon sa kanila.


"Ayon..."-sandali pang napasulyap sa'kin si Nikko, siguro naramdaman niyang hindi ko sasagutin ang tanong niya. "Naisip ng iba na bagay kayo ni Aimee dahil sa picture. Ay prend, mga loka-loka sila. Pati nga si Andy at Aimee may shippers din, dahil naman iyon sa nagkiss 'yung dalawa."


***

Monday at kaliwa't kanan ang bumabati sa'kin dahil sa pagkapanalo ko last friday night sa pageant. Ngiti lang ang naisasagot ko, naiilang ako. Sa pageant ako nanalo eh, hindi ko ipinagmamalaki 'yon, sa hindi ko kasi forte iyon.


Nang hapon ito pinatawag na naman ako sa DO, ayon sa director, bukas daw ay magsisimula na agad ang photoshoot para sa poster campaign ng Thelistine. Sinabihan niya akong dumaan kay Aimee para sabihin iyon. Dumaan naman ako sa room nila bago ako bumalik sa room namin, kaso absent pala ang magaling. At wala rin ang kaibigan nito. Nagleave nalang ako ng text sa kanya.


Kinabukasan ay mag-isa lang akong nagphotoshoot, wala pa rin si Aimee. Hindi rin nagreply sa text ko. Nagsabi nalang ang photographer na sa ibang araw nalang niya kukuhanan si Aimee at na hindi nalang kami magsasama sa iisang poster.


More days passed at hindi pumapasok si Aimee, paano ko nalaman? Maraming naghahanap sa kanya eh. Dahil sa pagkapanalo niya sa pageant, mas umingay ang pangalan niya. Umabot hanggang sa Einstein building.


Mas nakahinga ako ng maluwag sa mga panahong wala si Aimee, nasusuffocate ako sa kanya eh. Friday na ngayon so all in all, isang buong linggo siyang hindi pumasok. Dapat may katapat na suspension iyon eh pero baka nagbigay niya ng excuse letter sa director, wala kasi itong kahit anong sinasabi.


Sa ngayon ay si Tamarra lang ang sakit ko sa mata. Pero nitong mga nakaraang araw, nagsisimula ko na siyang makita as an ordinary student. Tipong hindi na ako nangangalaiti isang sulyap palang sa kanya. Good sign iyon sa tingin ko dahil makakapagsimula na akong gumawa ng move nang hindi iniintindi ang reklamo kong ayoko ko siyang makita.

_______________________________

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now