"Oh bakit Camille?" landi.

"Nakita mo ba si Stephen?" Mataray na tanong ni Camille.

"At bakit naman ako ang tatanungin mo? Ako ba tong palaging nakadikit sakanya?" Mataray ko ring tanong.

"Aba. Ikaw naman palagi ang nakadikit kay Stephen diba? At ikaw na rin mismo ang nagsabi na nililigawan ka niya, kung totoo nga."

Konti na lang masasapak ko na tong malanding to.

"Hindi ko alam kung nasaan si Stephen." Iritado kong sagot.

"Ching!" Napalingon kaming pareho sa napakagwapong pawisang nilalang na padating.

Speaking of.

"Hey Stephen! I've been looking for you the whole day." Malanding sabi ni Camille sabay lapit kay Stephen.

Ah, so siya na pala ngayon si Ching? Ako ang tinawag diba? Tapos siya ang lalapit. Kapal muks! Kung makalingkis pa sa braso ni Stephen, dinaig pa cobra.

"Uhm, hi." Pagbati ni Stephen kay Camille sabay lapit sakin at iniwang nakanganga si Camille.

Bwahahahah buti nga sayong malandi ka. .

"Ching, sabay tayo umuwi ah? May dadaanan lang saglit ako sa locker room." Nakangiting sabi ni Stephen kaya nginitian ko rin siya.

"Sure. Antayin na lang kita dito sa cafeteria." Sabi ko sabay tingin kay Camille nang nakakainsulto.

"Stephen, I thought ihahatid mo ako? Hindi ako masusundo ng driver ko." Naiinis na sabi ni Camille. Epal talaga tong malanding to.

"Huh? Magpasundo ka na lang o kaya sumakay ka na lang ng jeep. Itinuro ko naman na sayo ang daan pauwi diba?" Sabi ni Stephen.

"Hindi ko nga matandaan eh. What if I lost my way home?" Paawa effect na sabi ni Camille. Sus, edi kapag naligaw ka, mas mabuti.

"Pero ihahatid ko rin kasi si Ching eh." Sabi ni Stephen na para bang hindi malaman kung sino ang ihahatid niya. Yung maganda ba o yung malandi.

"Uhm alam ko na Stephen, samahan na lang kita sa paghatid kay Camille." Nakangiti kong sabi at nakita kong napataas ng bongga ang kilay ni Camille landi.

"What?! No way." Sigaw ni Camille.

"Oh bakit naman? Ayaw mo yun, dalawa maghahatid sayo?" Sabi ko sa mapanginis na tono.

"Teka, okay lang ba sayo Ching? Baka gabihin ka ng uwi?" Nag-aalalang tanong ni Stephen.

"Okay lang. Ihahatid mo naman ako diba?" Pabebe kong tanong.

Mas lalo tuloy nainis si Camille.

"Okay. So antayin niyo na lang ako dito, may dadaanan lang ako sa locker." Sabi ni Stephen at saka umalis na.

Naupo muna ako sa isa sa mga upuan sa cafeteria at naupo din sa harap ko si Camille na nakasimangot.

"Epal ka talaga." Naiinis na sabi sakin ni Camille.

"Why? Ayaw mo yon, dalawa kami ni Stephen maghahatid sayo?" Painosente kong tanong.

Inirapan lang ako ni Camille kaya mas lalo akong napangiti. #NgitingTagumpay.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Stephen na bagong bihis at ang bango bango.

Ang gwapo, shet.

"Tara na?" Pag-aaya niya kaya tumayo na kami ni Camille. Pero nang tumayo siya, inirapan lang ako ng gaga.

Habang naglalakad, nasa gitna namin si Stephen at nakalingkis nanaman si Camille sa braso niya.

TabachingChing [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt