Chapter 49: Lunch out

Start from the beginning
                                    

Sa ngayon, sa isip ko lang muna sya tatawaging dad!

"Oh. ginising ka pala ni dad" bungad sakin ni kuya Luis na kasalukuyang nagpapatas ng mga ingredients sa kitchen nook. Mukhang magluluto sila ni daddy ah!

"Ah. oo eh. pero okay lang. haha. Magluluto kayo?" tanong ko habang ineexamin ang mga ingredients.

"Yes. And you will help us" sagot ni dad habang nagsasalin ng tubig mula sa pitsel.

Napalunok ako.
Hindi dahil sa nauuhaw ako sa malamig na tubig na iniinom nya kundi dahil sa kaba.

Marunong akong magluto! subok na ko sa kusina pero iba parin kapag magpapa-impress ka. Baka sa sobrang kaba ko, mapagkamalan kong asukal ang iodized salt.

Katarungan para sa Pork steak na niluto ni author! hahaha.

"Sige po tito" lumapit ako sa kanila at nakiusyoso sa ginagawa.

"Do you know my daughter's favorite food?" tanong sakin bigla.

Kinakabahan akong sumagot dahil baka pag nagkamali ako ay itarak sakin ni dad yung kutsilyong pinanggagayat nya sa mga gulay. Ayoko namang mamatay agad. Ayaw nyo rin naman sigurong mabawasan ang poging nagpapakilig sa mga bebegurls dyan diba?

"kare kare po." naalala ko nung pinagluto ko sya sa dorm. Tuwang tuwa sya. Ang galing ko daw magluto. Napadami pa ang kain nya. Nagtae pa nga sya pagkatapos ubusin ang kalahating kilong bigas na sinaing ko. So i therefore conclude na favorite nya ang kare kare.

"is it a fact or a bluff?" tanong ni dad kay kuya Luis at nag "fact na fact" naman si Kuya with actions pa.

Luh? may sapi lang?
haha.
pero deh. Kahit weird sila, tanggap ko sila. Weird din naman ako. At minahal ako ni Babe ko kahit weird ako.

Nagkasunod sunod pa ang tanong nila sakin. Ultimo brand ng feminine wash ni louise, tinanong na sakin. Pero syempre, nagjojoke lang si dad nung mga time na yun.

to tell you what? Sobrang waley ni dad magjoke. Matatawa ka nalang sa awa dahil walang tumatawa sa kanya.

He's like my dad. Minsan Seryoso, madalas luko-luko.
Mabait din ang mom ko. Sobrang palangiti. Laging kalmado! Yung feeling na nasusunog na ang bahay pero pabebe parin syang humingi ng tulong! Di ko tuloy maisip kung san nakuha ni ate Venice yung ganun nyang ugali.

I love my sister at noon, sya talaga ang kinakampihan ko kasi sya ang kadugo ko pero simula nung malaman ko ang buong kwento at malamang niloko nya lang ako, nasaktan talaga ako.
Naiinis ako sa inasta nya lalong lalo na sa harap ng pamilya ng babaeng mahal ko.

Pero thankful din ako kasi kung di nangyari ang mga nangyari kagabi edi di nangyari yung nangyari sa amin ng pamilya ni louise kagabi. Hahahaha. Ano ulit sinabi ko?

"Good morning"
Wala pang isang segundo nung marinig ko ang tinig ng babaeng mahal ko, napa-angat kaagad ang ulo ko.

Yung ulo sa taas po! wag nyo tignan yung nasa baba. haha. Pero nagtwitch sya.

So ayun nga, Nakangiting lumapit si Louise sa dad nya at humalik. Sumunod sa kuya nya at humalik din sa pisngi.
Ngumuso na ko nung makitang papalapit sya sakin pero tengene.... Ang sakit madedma.

"Wow. nagluluto ka?" tanong nya na animo'y manghang mangha sa caserolang pinaglulutuan ko.

Napanguso ako at tinignan lang sya ng hindi sumasagot kaya napatingin na din sya sakin.

Ngumuso ako pero pinandilatan nya lang ako ng mga mata.
Nagtataka naman akong ngumuso ulit kasi baka di nya nagegets ang sinasabi ko pero bigla nya kong kinurot sa deep V-line ko. Aruy!

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now