TOM 31 - Bubblegum Xylia

1.4K 66 14
                                    

TOM 31 - Bubblegum Xylia

3rd Person's POV

Madaling araw na ay gising pa rin si Bubblegum.

Nakadungaw siya sa bintana at nakatingin sa kalangitang walang laman kundi ang maputlang buwan. Para siyang nakatingin sa kawalan na sadyang nakakapanlumo.

Muling bumalik sa kanyang isipan ang itsura ng Elemental na tumulong sa kanya.

His almost perfect jaws that clenched when he saw her wounds. His muscles that flex beautifully when he carried her and treated her. His deep sea like eyes that cannot look at her.

Hindi pa rin siya makapaniwala na sumunod ito sa kanila.

Magtatanong sana siya ng bigla na lamang tumakbo paalis ang binata.

Tanging ang likod nito at tumatalbog na kulay blonde na buhok nito dahil sa pagtakbo ang natitigan niya.

"Rouie." sambit niya.

Nakakapagtaka nga naman kung bakit naroroon ang binata. Nasa isip din ni Bubble ang posibilidad na may kasama ito.

Anong ginagawa nila? Nagmamanman?

Napailing siya. Kahit na nais niyang magduda, hindi niya iyon magawa.

Hindi niya na rin maintindihan ang kanyang sarili.

May kung anong bago at nakakakiliting pakiramdam ang namayani sa kanya ng magkalapit sila ni Rouie sa Gradrien.

Hindi siya mapakali, maya't maya ay dinadalaw siya ng senaryong iyon.

Nakakatuwa na nakakakaba, iyon ang nasa isip niya.

Parang kagaya iyon sa mga nababasang libro nilang dalawa ni Myrtle.

Napailing siya.

Imposible. Ganun ba agad yun? Wala munang paghanga?

"Boo!" muntikan na siyang mapatili kundi lamang natakpan ng binatang dumating kanyang manipis at mamasa masang labi.

"Ginulat mo ako!" untag niya at napaiwas ng tinging ang binata.

Nakita rin ni Bubble na gumalaw ang Adam's Apple nito ng lumunok ang lalakeng Undine.

"So.....sorry." napayuko si Rouie dahil sa pagkapahiya.

"Anong ginagawa mo dito?" pinipilit na itago ni Bubblegum ang kanyang ngiti dahil muli silang nagkita.

"Gus....to ko lang mala....man kung a....yos ka na." iyon ang sagot ng binata.

Hindi maiwasan ni Bubblegum ang mamangha. Kahit sa kakarampot na liwanag mula sa Buwan ay kita niya ang mukha at hubog ng katawan ni Rouie.

Mas maliit man kumpara kay Azure, ang malapad na balikat at mga brasong tila kayang bumuhat ng sampung Elementals ang nakapukaw sa kanyang atensyon.

Idagdag pa ang mga matang may kung anong emosyon o mga salitang hindi nito masabi.

Ang ilong niya na perpekto ang pagkakalikha at mga labing kasing nipis ngunit mas mapula kesa sa kanya.

"A....alis na ako." natigil ang kanyang pag iisip ng magsalita muli ang binata.

"Hah? Teka teka. Wag ka munang aalis." madaling pumunta sa ibaba si Bubblegum at kinuha ang isang garapon na puno ng bagong lutong Coonies.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now