TOM 4 - Cardinals' Orders

3.1K 106 50
                                    

TOM 4 - Cardinals' Orders

Champagne's POV

I need to do something para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga Cardinals.

Hindi ako mapakali dito sa Open Field dahil sa tagal ng pagsasabi ng anunsyo.

I need to have my free time right away!

"Si Chammy mukhang kailangang maglabas ng sama ng loob." naulinigan ko ang boses ni Azure.

"Chammy? May problema?" tanong ni Bubble at umiling ako.

"Don't start with her Az! It's too early." paninita ni Carlie.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo. Gusto mo bang samahan kita sa restroom Chammy?" he freaking used his husky voice!

Narinig ko ang pagtawa nila Silver at Flax habang si Teal ay napatikhim.

"Anong gagawin niyo sa restroom?" ngiting aso na tanong ni Teal.

Sapakin ko kaya silang lahat?

"Gusto mong maunang makatanggap ng black eye Teal?" inamba ko ang aking kamay.

Napaatras naman ang pinsan ko ngunit ang ngisi sa mukha niya ay hindi naalis.

"Huy wag niyo ng awayin si Chammy!" ani Myrtle at hinigod ang likuran ko.

"Don't be affected Chams, Azure wants that and he'll push through so ignore him." lakas makapayo palibhasa halos lahat ata ng lalake ay nakasalamuha na niya.

Tumango ako at tumingin na lamang sa gitna ng Field kung saan nandoon ang mga Infinitius na nag-uusap.

"Wala naman kaming gagawin. Babantayan ko lang siya. Di ako maninilip." naramdaman ko ang pag-init ng aking nga pisngi.

Ayaw talaga akong tantanan ng isang ito!

Lumapit ako sa kanya at piningot ang kanyang kanang tainga.

"Ow Chammy!" pagsita niya at kita kong nasasaktan siya dahil sa kanyang itsura.

"Tigilan mo na ako pwede?!" halos isigaw ko iyon kung kaya't napatingin sa amin ang ibang estudyante.

"Hala ang terror talaga ni President. Daig pa si Lady Lachise." anang ng isang nakasuot ng unipormeng may kulay dilaw na kwelyo.

Sophomore huh?

"Easy Chammy." lumapit sa akin si Flax at nag-abot ng maliit na Coonie.

"Buti pa pagkain napapansin mo kahit wala itong ginagawa." hindi ko na inintindi ang sinabi ni Azure at nagfocus na lamang kay Lady Astrean na ngayon ay tumayo na.

"Ayan mag-uumpisa na!" nakangiting sabi ni Myrtle.

Kumagat ako sa Coonie na binigay ni Flax saka nakinig sa sinasabi ni Lady Astrean.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now