TOM 8 - Primos vs Cardinals

2.3K 89 28
                                    

TOM 8 - Primos vs Cardinals

Champagne's POV

Lumipas ang limang araw at paunti unti na kaming nasasanay dito sa Sunkenin City.

Nakapagtayo na rin kami ng mga bahay at ng pinaka palasyo pansamantala.

We're now living in this underground city.

Per race ay may mga trabahong nakatoka. Kagaya ng mga Gnomes na nagtayo ng mga tinutuluyan namin ngayon. Ang mga Undines na bahala sa aming Water Supply. Samantalang ang mga Sylphs ay ang nagpapanatili ng hangin na malalanghap namin. Ang mga Salamanders ay may trabahong siguruhing laging may apoy upang magamit sa pagluluto. Pixies ang bahala sa food supply ng bawat Elemental. Ang Wisp ay ang bahala sa mga ilaw habang kaming mga Shades ang nagpapatibay ng mga harang.

Kalat kalat na rin ang mga Elementals sa bawat Zones. Hindi na nga lang nahahati per race kundi binalanse ang 7 lahi sa bawat Zones upang makasurvive kaming lahat.

Paminsan minsan ay lumalabas ang mga Elementus upang tingnan ang sitwasyon sa itaas. Kahapon ay nakapagligtas sila ng sampu pang Elementals ngunit noong mga nakaraang araw ay wala. Umuuwi sila ng sugatan at nanghihina.

Kaming Elementians ang nasa Sunkenin City. Ang grandparents namin ni Teal ay nasa loob ng pansamantalang palasyo kasama ang mga kapatid namin. At ngayon ay kasama kaming lahat sa huling pagpupulong ng mga nakakataas

"Intense silang lahat." bulong ni Teal at siniko ko siya.

"Malamang! Magkaiba na naman ang naisip nilang paraan upang lutasin ang problema." bulong kong sagot sa kanya.

"Hindi ba ito kayang lutasin ng mga Pandarens?" tanong ni Silver.

"They tried to. Kaya nga't tumanggi sila sa paanyayang dito sa Sunkenin City manatili. Andun pa rin sila sa Poli Mana naghahanap ng kasagutan." sagot ni Flax.

"Shhh mag-uumpisa na." hudyat ni Carlie.

True enough lumabas mula sa kanang side ng meeting hall dito sa pansamantalang palasyo ang parents namin. Kasunod nila ang mga Cardinals na sa kaliwa lumabas.

Namataan ko si Lilith na nakasunod sa kanyang ama habang si Mistress Racie ay kasama ang tila anak niyang lalake.

Ang Infinitius ay tahimik ngunit halatang malalim rin ang iniisip nila.

Even them didn't get any hint about this havoc. Ni hindi nakita ni Lady Astrean na mangyayari ito sa hinaharap namin. Maging sa panaginip hindi ito nasaksihan ni Lady Lachise.

"We should go outside! All of us!" iyon ang bungad ni Papay.

Mainit na naman ang ulo niya.

"Love, calm down." narinig kong saway ni Mamay.

"How can I? These people wants us to stay here for good! And what? Let those creatures wander around our planet? Ruin it?" padabog na naupo si Papay.

"Wag nating idaan ito sa init ng ulo King Haelles." narinig kong pagsasalita ni Master Damond.

Trinket of MauveOnde histórias criam vida. Descubra agora