TOM 35 - Moiran

1.5K 59 31
                                    

TOM 35 - Moiran

Champagne's POV

Kahit pa nanginginig ang aking nanghihinang katawan dahil sa sakit at takot ay nagawa ko pa ring buhatin ang aking Scepter.

Pinilit kong higpitan ang aking hawak mula doon at itinutok sa parteng pinanggagalingan ng anino.

Nagsimulang gumalaw ang anino ngunit taliwas sa aking inaasahan ay hindi nakakayanig ang mga hakbang nito. Ni hindi nga rin iyon malakas.

Nakakapagtaka.

Bumukas ng todo ang pabagsak ng talukap ng aking mga mata ng matanggal ang sungay ng anino.

At halos mahulog ako sa sahig ng isang matinis na boses ang gumulantang samin.

Lumabas mula sa kwartong may kaunting na ilaw ang isang maliit na nilalang. May hawak hawak itong gunting gamit ang nanginginig nitng kamay.

Nagtagpo ang mga titig namn na nabitawan niya ang kanyang dala.

Mula sa pagkakunot ng noo nito at takot na ekspresyon ay umaliwalas ang mukha nito at ngumiti ng pagkatamis tamis sa amin.

"Star Elf." pahayag ni Myr at binitawan ang kanyang mga sandata.

Nagpadausdos ang Star Elf mula sa hawakan ng hagdang gawa sa kahoy na binabalot ng mga ukit na pulos dahon at bulaklak.

"Akala ko'y mga nakakadiring halimaw ang nakapasok sa tahanan ng aking ama! Mabuti na lamang at mga tagapagligtas ang napadpad dito! Maganda umaga po sa inyo!" masayang bati niya sa amin gamit ang kanyang maliit at mahinang boses.

Halos makita kong lumuwa ang kanyang kumikislap na mga mata mula sa kanyang pino at maputing mukha. At ang kanyang mga matutulis na tenga ay namumula.

She was like looking to the most beautiful scenery, so captivating that she's starting to be teary eyed.

"Siguro po ay dala niyo na ang trinket ni Mauve?" marahan akong tumango saka tumalon talon ulit siya kasabay ang pagtalbog ng kanyang kulay light pink na balloon dress at ng kanyang kulot na buhok.

Umiyak siya lalo at patakbo akong niyakap!

Para bang ngayon lang ulit niya nagawa ito.

Kulang na lamang ay hindi na dumaloy sa binti ko ang aking dugo dahil higpit ng kanyang yakap.

"Sa wakas! Matatapos na ang kaguluhan!" halos pasigaw niyang sabi at agad tinakpan ni Bubble ang bibig nito.

"Shhhhh. Don't be too loud." saway niya at napatungo ang Star Elf.

Lumuhod ako at pinalis ang mga luha nitong lumalandas sa kanyang batang batang mukha.

Para siyang pinaglihi sa cottonmallows dahil sa lambot ng kanyang pisngi, just like Carlie.

"You know the compass, you know that we are coming so does that mean you know what's happening to all the creatures outside?" I asked while pointing my finger back to the gloomy forest where we came from.

"Wala po. Wala pong nabanggit si Ama tungkol dito. Ang inihabilin niya lamang sa akin ay ang ihatid kayo kung saan man nanaisin ng compass." sagot niya matapos ang ilang mahihinang paghikbi na nakapagpatahan sa kanya.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now