TOM 45 - Trilinial

1.4K 71 14
                                    

TOM 45 - Trilinial

Champagne's POV

Agad naming hinarangan ang pinto palabas upang hindi na makasunod sila Erif at ang kanyang mga kasama sa amin.

Bumungad ang madilim na pasilyo ngunit nagliwanag iyon ng dahil sa amin ni Teal.

"Now you're more gorgeous but I hate that, more people will look at you, drool and fantasize about you." umirap ako kay Azure at agad binale wala ang kanyang hirit.

Lagot ka talaga sa akin pagkatapos ng lahat ng ito.

Papanagutan mo ang ginawa mo sakin, your trap, my fall.

Madali kaming nakarating sa ibabang palapag at sinira ang isang double doors na nakalock.

The Infinitius were inside, they're frowning but when their gazes stopped at us, their faces enlightened.

"Oh my ghad! Tama ang nasa pangitain ko!" agad kaming niyakap ni Lady Astrean.

"From the moments I saw you in my dreams, I know that you'll save us." tumatangong sambit ni Lady Lachise.

"Bro panalo ako sa pustahan." nabaling ang atensyon namin sa nagsalitang si Lord Ronan.

Binatukan siya ni Lord Yohhan na umiiling.

"Oo nalang." umirap ito at natawa kami.

"So I guess marapat na nating sabihin sa kanila ang lahat." utas ni Lord Kogan at lumapit kay Carlie.

"The journal please." marahang ibinigay ng aking bestfriend ang nagliliwanag na journal kay Lord Kogan.

Pumaikot kami sa kanya at nakitang pumunta siya sa pahinang unti unting nagkakaroon ng sulat.

Pentagonial's core power belongs to the Pixies
Dualinial's elements were only half, lightness and darkness
What they need are the two Trilinial
Which will fill the incompleteness of the seal
The lass holds darkness, fire and earth
While the lad has lightness, water and air

"Seryoso ba yan? Ngunit ni kailanman ay di ko nakontrol ang apoy at lupa." they looked at me ng magsalita ako.

Sumang ayon din si Teal dahil iisang elemento lamang ang aming nagagamit magmula pa noon.

"Your true powers need awakening, right timing." sabat ni Lady Cleatha na matamnan kaming tinitingnan.

"The compass?" malambing na saad ni Lady Aletheia at ibinigay ko iyon sa kanya.

Mas nagliliwanag ito ngayon at nakakagulat na ang kulay lila at manipis nitong aura ay nakaturo sa akin, sa amin ng katabi kong si Teal.

Napasinghap ang halos lahat ng bigla kaming natumba ni Teal.

Sht.

Nahihilo ako.

Parang mas uminit ang aking palad, iyong aking birthmark at pati na rin ang kabila kong kamay.

Mula doon ay pumapaakyat sa aking dibdib ang kakaibang init.

"Bloody Chenas." kahit na nahihirapan at kinakapos ng hininga ay pinilit ko ang aking sarili na lingunin si Bubblegum.

Nakatakip ang nanginginig niyang mga kamay sa kanyang bibig at nanlalaki ang kanyang mga mata.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now