TOM 1 - No Well in Farewell

7.9K 143 56
                                    

TOM 1 - No Well in Farewell

Champagne's POV

"Mom told me that at the end of a storm, a rainbow that symbolizes hope will show. Unluckily opposite from what I've learned, what followed next to the heavy rains is the worst nightmare I've seen in my entire life. The skies turned from grayish to velvet real quick then I saw them devouring our people, drinking their bloods and cracking their bones.

Monsters.

Do I really have to be one of them just to get the revenge I want and to have the upper hand that will end this war? Or there's another way out of this catastrophe we never wished for?"

"Nice monologue Ast." napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang malapit na mukha ni Azure. Napaatras ako ng bahagya at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

Oh jerk.

Wait? Have he read my thoughts? O napalakas lang talaga ang pagbabasa ko sa librong hawak ko?

"I'm No Monster, didn't know that you like books." usisa niya at padabog kong isinara ang librong hiniram ko kay Myr.

Tumayo ako ng marahas at tinitigan siya gamit ang pinaliliit kong mga mata.

"Go back to your seat Az. Carlie will be here any minute from now. And please stop calling me Ast." itinaas ko ang aking kaliwang kilay upang ipahiwatig na naiinis na ako.

"Yes Chammy the Pressy!" sumaludo pa muna siya saka ako kinindatan.

Ang walang hiya. Hindi man lang ako galangin bilang Student Council President? Isumbong ko kaya siya kay Tita Lors mamaya?

"Chammy!!!!" niluwa ng pinto ang bumubungisngis na si Carlie pero agad iyong nawala sa di ko malamang dahilan. Napalitan ng pag-aalala ang kanyang tuwa kanina. Napakatransparent din talaga ng isang ito.

Lumapit siya sa akin at inilapat ang likod ng palad niya sa noo ko.

"You're not sicked but why do you look like this?" ikinunot niya ang kanyang noo at pinagsalubong ang mga kilay saka nag poker face.

"Nothing." umiling ako. Saka ko narinig ang pagtawa ni Az.

"Az! Inaway mo na naman ba si Chammy?" baling na tanong ni Carlie.

"Carlie, wala akong ginagawa sa mahal mong bestfriend. I'm just sitting here, being a good boy." ngumisi pa ang loko habang pinaglalaruan ang kanyang maliit na Water Ball.

"Hahaha! Dude! Ang epic ng mukha nung babae kanina! Akala niya masarap yung binigay nating pagkain sa kanya!" naulinigan ko ang pilyong boses ng aking pinsan.

Ano na naman kaya ang ginawa ng isang ito? Mukhang idinamay pa si Lax at Silv.

"TEAL ZIONE YANG FIERYLUS! HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU, STOP PLAYING PRANKS ON THE STUDENTS!" inis kong saway sa kanya at binato siya ng maliit na Black Aura Ball.

Tinapatan niya iyon ng White Aura Ball kaya naman parang fireworks iyong sumabog sa loob ng classroom.

Napatigil saglit ang ilan naming mga kaklase pero dahil sanay na sila sa amin ay agad silang bumalik sa mga ginagawa nila.

Trinket of MauveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz