TOM 29 - Teal Zione

1.5K 60 25
                                    

TOM 29 - Teal Zione

3rd Person's POV

Matapos na kumain ay pabagsak na nahiga si Teal at pumikit ng mariin.

"Bakit ba lagi na lang siya?!" napasuntok siya sa lamesang katabi ng kama.

Muli na naman niyang naalala ang nangyari noong isang araw.

Akala niya'y kanyang maililigtas ang buong grupo subalit nagkamali siya.

Ang mga presensyang nararamdaman pala niya ay panganib rin ang dulot.

Eksaktong napaluhod siya dahil sa panghihina ay nagsilabas ang napakaraming Whivens.

Iyon ang klase ng ibon na hawig ng isang Raven ngunit purong puti ang katawan.

Akala niya ay katapusan na nila ngunit nagising si Silver at natali nito ang mga nagwawalang ibon na balak sana silang kainin.

"You did really great Teal!" puna ni Chammy.

Ni hindi niya makuhang ngumiti o tumingin man lang kay Carlie kahit pa pinuri rin siya ng dalaga dahil sa kanyang nagawa.

Napabalikwas siya ng mapagtantong kailangan niya pang lumakas, higit kay Silver at sa ama niyang si Cayden Frost Fierylus.

Madali niyang kinuha ang kanyang Luster Bow at quiver na may lamang arrows.

Lumabas siya ng walang kaingay ingay, mukhang nagpapahinga na ang kanyang mga kasama.

"San punta mo bro?" tanong ni Azure na kumakain habang nakaupo sa hagdan

"Practice." maikli niyang sagot at nagdire diretso siya palabas sa bahay na tinutuluyan nila ngayon.

Mga kakaibang halaman, bulaklak at puno ang kanyang nakikita.

Nasa Feyrimeas Region na sila at kaunting lakad pa ay makikita na niya ang tuktok ng Kentaro Tree.

Iyon ang pinakamalaki at pinakamayabong sa buong Arkaios at namumunga iyon ng nga prutas na may iba't ibang hugis ngunit iisa ang kulay ng nga iyon, walang iba kundi rosas.

Ang mga bunga ay tinatawag na Moita at sinasabing mabisang pampagaling ng malulubhang karamdaman.

Sinasabing hindi kailan man iyon mamatay, maliban kung masira ang Arkaios na muntik ng mangyari halos magdadalawampung taon na ang nakalipas.

"I'll be like you! Or even be greater than you!" sigaw niya saka pinatamaan ang mga hinog na bunga ng Heanilla.

*(Heanilla - heart + vanilla)*

Iyon ay isang prutas na hugis puso ngunit puti rin ang kulay at lasang vanilla.

Bumalot ang kanyang nakakasilaw na puti aura hanggang sa kanyang sandata.

Umakyat siya sa isang puno ng Pincia. Iyon ay kawangis ng Pine tree subalit may mga bulaklak na kagaya ng sa Acacia.

Pumwesto siya sa pinaka tuktok at namataan ang grupo ng mga Whivens.

Sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

"Better late than never to revenge." saka siya kumuha ng tatlong pana at sabay sabay iyong pinakawalan patungo sa magkakaibang direksyon.

Bawat pana ay tumama sa dalawang magkakatabing ibon.

Natuwa siya sa kanyang nagawa.

Hindi man sila maatake mula sa labas ay maari silang magpakawala ng kung ano man mula sa loob ng shield na ginawa ng kanyang pinsan.

Trinket of MauveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon