TOM 51 - Worst Enemy

1.6K 72 10
                                    

TOM 51 - Worst Enemy

Champagne's POV

Pagmulat ko ng mga mata ay kita ko ang pagyayakapan ng Three Kismets, kasama ang katawan na walang buhay ng kanilang Ina na si Mauve.

"Dad's been waiting for years Mom." usal ni Lady Cleatha.

Ni isa sa amin nila Teal ay walang makapagsalita marahil ay dahil sa nakaraang aming nasaksihan.

Dama ko pa rin ang panginginig ng aking sistema dahil sa katotohonang babalik siya, si Elementa.

Anytime ay maari na siyang lumabas.

"Bakit hindi nangingielam ang Pandarens sa mga nangyayari?" nagbalik ang ulirat ko dahil sa bulong na tanong ni Carlie.

Tama siya, hindi tumutulong ang Pandarens sa mga nangyayari.

"It is because they can't do nothing but to guide us and help through their words. Elementa and our Dad gave powers to them, wala silang laban kay Elementa." malamig na sagot ni Lady Lachise.

"But you guys can." dugtong ni Lady Astrean.

Papaano?!

"Elementa never imagined about Elementals evolving, gaining more than one Element Power like her and our Dad. Hindi niya inaakalang may makakatapat sa kanya." sagot ni Lady Cleatha.

May point sila doon, dahil kung kaya ng Pandarens ang kalaban ay matagal ng natapos ang kaguluhan.

Samantalang ang Manarens ay hindi naman tagadito sa Arkaios, it is only their task to save us, give mana and help us ng muntikan ng mawasak ang Arkaios noon.

It is like our worlds are helping each other out.

Napatitig ako sa Heptagome na bigla na lamang nagliwanag ulit.

"Astrid!" niyakap ako ni Azure at sumubsob kami sa damuhan saka ko nadama isang malakas na pwersa.

Tumalsik kaming lahat papalayo sa seal na muling nagliliwanag.

"Mom! Mom!" Lady Astrean cried.

"Hoy tumayo ka na dyan! Mom's going to be with Dad in the after life!" hinila ni Lady Lachise ang kapatid habang si Lady Cleatha ay nanginginig sa takot.

"She's coming." sabi nito at tumayo ako saka humarap kay Azure.

"Kailangan niyo ng umalis dito. Kami na ang bahala." umiling siya at hinawakan ang aking mukha.

"I can't." matigas niyang sabi kaya naman binigyan ko siya ng isang sampal.

"You think I can give out my all power when you're around? Of course I can't! Ayokong madamay ka, kayong lahat. Kaya please? Please Azure Kyero, leave us here. Palabasin niyo ang lahat ng mga Elementals mula sa Sunkenin City and protect each Region, alam nating gustong sakupin ni Elementa ang Arkaios." mahaba kong sabi habang siya ay nakatulala habang nakahawak sa namumula niyang pisngi.

Trinket of MauveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt