TOM 12 - Out of Sight

1.7K 93 23
                                    

TOM 12 - Out of Sight

Champagne's POV

Ibubulong na sana sa akin ni Tita Yukie ang iba pang detalye ng mapahinto kaming lahat dahil sa isang boses.

"Princess Champagne!" napalingon ako mula sa direksyon ng tumawag sa akin.

It was Mistress France, ang Pixie sa mga Cardinals.

Kumalabog ang dibdib ko, baka makita niya si Tita Yukie. Dapat pala ay binilisan namin ang aming kilos, we need to hide Tita, to keep her out of their sight.

Lumapit ako patungo sa kanya at sinalubong niya ako.

"Saan po kayo pupunta?" tanong niya at nakita kong sumulyap siya kila Azure.

"Mag....hahanap lang po ng lugar kung sa....an ma...aari kaming mag ensayo." nilakasan ko ang aking sagot.

Kumunot ang noo ni Mistress France na tila hindi kumbinsido sa aking sagot.

"Si Azure po kasi, hinamon si Flax. Ayaw naman po nila doon sa may malapit sa palasyo kaya po naghahanap kami ngayon." sumingit si Myr sa usapan at tumabi sa akin.

"Hindi mo ako kaya dude." narinig kong magyayabang ni Azure.

Dapat na ba akong magpasalamat sa pagkamahangin niya? Mistress France's face softens. Tila naniniwala na siya.

"Pero sino iyong nakakulay pulang cloak?" bakit ba napakadami niyang tanong?

"Hindi kita kaya? Asa ka pa! I can beat your ass bro." narinig kong sigaw ni Flax at napatili si Tita Yukie.

Tumingin ako sa kanila at nakita kong naglalaban na sila Azure at Flax.

Oh great another show started.

Naglabas ng espada sila Flax at Azure saka sinugod ang isa't isa. Mabuti na lamang ay nakuha nilang makisakay sa mga alibi namin ni Myrtle.

"Myr, ialis mo na si Tita Yukie dito. Pumunta kayo doon sa daang pinuntahan namin ni Azure kaninang umaga. Siguro naman ay nakita niyo iyon hindi ba?" tumango siya sa akin at mabilis na isinama si Tita Yukie sa kanya.

"Oh saan pupunta ang dalawang iyon?" tanong ni Mistress France sa akin at itinuro sila Myr na lumilipad ngayon.

"Si Carlie po iyon, tatawaging sila Teal para po pigilan ang dalawang ito." sinubukan kong lumapit kila Azure ngunit biglang nagkaroon doon ng mga batong malalaki at malalapad. Paglingon ko ay ganoon rin ang nasa likuran ko.

Wow. I'm trapped.

Nasisilip kong patuloy na naglalaban sila Azure at Flax ngunit hindi naman sila nagkakatamaan.

"Princess, ayos ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ni Mistress France.

"Ah, opo! Kaya na po namin ito. Simpleng hindi pagkakaunawaan lamang po ito. Maari niyo na po kaming iwan. Nagpaalam naman po kami kila Grammie at Grappie." wala na akong narinig na sagot mula sa kanya.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now