Epilogue

2.2K 69 24
                                    

Epilogue

Champagne's POV

Itinapat ko ang aking Scepter kay Elementa na papasugod sa aming pwesto.

Hindi niya maaaring saktan sila Silver at Hueri.

Agad ko siyang hinarap at binawasan ang kapangyarihan sa aking sandata.

Hihigupin niya lamang ang kapangyarihan ko, kaya't mas mabuting iwasan ko ang paggamit doon.

Sinalag niya ang aking mga atake hanggang sa maisipan kong gumawa ng isang Shadow na makakapagpalito sa kanya.

Lumabas iyon sa aking harapan at agad iyong hinarap ni Elementa.

Tumakbo ako paikot sa Shadow upang saksakin sa dibdib si Elementa subalit iba ang aking natamaan.

Nanginig ang aking sistema.

Hindi!

Hindi siya ang nais kong patayin!

Bakit niya itinulak si Elementa?!

Sa kanya bumaon ang dulo ng aking Scepter. Malalim iyon at sa tingin ko kaunting tulak pa ay tatagos na iyon sa kanyang likuran.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"You...... kil....led me...... Hin.....di ka na i......ba sa a.....min. Ma......sa......ma ka rin." pabulong niyang sinabi sa akin iyon bago siya tuluyang nalagutan ng hininga.

Napaluhod ako sa lupa.

What I have done?

I became a monster just to defeat the evil ones.

To end their madness, I embraced darkness, more darker than my power.

"Chams....." napabalikwas ako ng maramdaman ang malagkit at malamig na likido sa aking mukha.

"What the freaking Coonies are you doing Solace?!" tumingin siya sa akin gamit ang malulungkot niyang mga mata.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now