TOM 10 - Old Palace

1.7K 84 28
                                    

TOM 10 - Old Palace

Champange's POV

Ramdam kong nakasunod si Azure sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Mas lumakas ang iyak na naririnig ko hanggang sa isang babae ang nakita kong nakaluhod at tila may inaabot sa ibaba.

Bakit nagkaroon ng mas malalim na parte dito? Gumuho kaya iyon?

"Anong nangyayari?" tumabi ako sa babae na halata ang pagod sa mukha. Nakita kong nakahawak sa kanya ang isa pang babae na umiiyak rin.

Sila! Sila rin iyong tinulungan namin dati!

"Ako na ang bahala. Hold my hand Miss." boses iyon ni Azure.

"Hindi ko na po kaya Prin..ce Azure!" humikbi ang babae at nakita kong dumulas ang kamay niya mula sa kamay ni Azure.

Subalit naging mas maagap itong Undine na kasama ko.

Lumabas ang isang Water Disc na sumalo doon sa babae at maingat siya nitong naiangat pabalik.

Pinagpawisan ako doon ah.

"Ate!!!" yumakap iyong mas batang babae bago ito bumaling sa amin.

"Oh my ghad! Kayo po ulit Princess Champagne, Prince Azure. Salamat po ulit sa pagtulong, sa pangalawang pagkakataon." nagbow siya habang ang Ate niya ay tulala.

"Anong pangalan niyo?" tanong ko.

"Ako po si Geizza, at siya naman po si Ate Glezza." sagot nito at tumango ako.

"Oh wag na kayong maglaro dito hah." paalala ni Azure at tumango ang dalawa.

"Sa....lamat po u....lit." nagulat ako ng biglang tumingkayad iyong Glezza at humalik sa pisngi ni Azure.

Nag iwas ako ng tingin.

So this is his way to flirt huh? Medyo mas mababa sa level ni Flax pero bakit nakakairita?

Iginawi ko ang aking paningin doon sa gumuhong parte ng lupa.

I wonder what's beneath there. Parang iniimbitahan ako ng dilim na magtungo doon.

The next thing I knew, tumalon ako doon at naramdaman ko nalang ang mga pakpak kong tumulong sa akin para makababa ng ayos.

"What the hell? Astrid! Umakyat ka na dito!" sigaw ni Azure.

Bahala siyang makipaglandian doon sa itaas!

Pero paano ako makakapaglakad lakad dito kung wala naman akong dalang ilaw o kahit anong maaring mag guide sa akin?

Nagpalinga linga ako hanggang sa narinig ko ang lagaslas ng pakpak ni Azure.

Oo lagaslas, gawa sa tubig eh. Moving water.

"Hard headed princess." tumabi siya sa akin.

"Bakit ba sumunod ka? Hindi naman kita kailangan ah? Doon ka na lang sa taas makipaglandian." nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now