Special Chapter - RouBle

1.8K 59 22
                                    

Special Chapter - RouBle

Bubblegum's POV

Magmula ng mailigtas namin ang Arkaios ay hindi na ako muling nakaranas ng anumang panlalait.

Nilihim ko sa lahat iyon, na sa tuwing mapapag-isa ako ay pinagkukumpulan ako at sinasabihan ng kung ano ano dahil sa pagiging bookworm ko.

Na kesyo hindi naman raw ako mukhang prinsesa kaya bakit ako dumidikit kila Chammy, sa grupong tinatawag na Light's Regiment ngayon.

"Good morning po Ate Bubble!" bati sa akin ng isang freshman.

Ngumiti ako sa kanya at nahihiya siyang ngumiti pabalik sa akin.

"Congeniality award goes to you my dear." naramdaman ko ang pag-akbaybng isang lalake sa akin.

Ang pamilyar niyang bango ay yumakap sa aking ilong.

Tila nakikiliti ako dahil doon.

"What? Wag mo nga akong asarin." inirapan ko siya at hindi na naman niya napigilang hindi kurutin ang pisngi ko.

"Looks like no one bothers you since the time when we came back." napalingon ako kay Rouie.

May alam ba siya?

Tumitig siya sa akin sandali at bumaling sa isang grupo ng mga babae sa hindi kalayuan.

"Good morning!" bati nila.

Ngumiti ako bilang tugon.

I am not used to this.

"See? That group used to tease you right?" nanlaki ang mga mata ko.

Bakit alam niya?

Papaano?

"I am watching you from afar." malambing niyang tono.

"Hoy?! Stalker ka?!" tinulak ko siya papalayo at tinitigan ng matamnan.

Isang ngisi ang sumilay sa kanyang maputing mukha.

"Of course not baby. I'm your guardian." kininditan niya ako at agad ko siyang hinampas sa braso.

"Hindi mo ba napansin? Sa tuwing pinagtutulungan ka nila ay napapadaan ako?" napasinghap ako.

May ilan ngang pagkakataon na bigla bigla siyang susulpot.

Namumukhaan ko lamang siya noon at kilala sa pangalan, hindi sa pag-uugali.

"They would stop, every time I passed by." sht.

Totoo ang sinabi niya! Mayroon pang isang pagkakataon na binuhusan ako ng tubig noong isang senior na Pixie.

Pagkatapos ay bigla siyang napadaan.

Agad niya akong tinulungan at binigyan ng panyo upang punasan ang aking sarili.

Ang kaso ay agad ko siyang nabale wala dahil dumating si Silver upang daluhan ako.

"I was about to say thanks when I noticed you, walking away." sumimangot ako.

Baka isipin niyang hindi ako marunong magpasalamat.

"Silver got in the picture so I guess my job was done that time." agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Thank you for protecting me secretly. I love you." narinig ko ang malalim niyang paghinga bago gumanti ng yakap sa akin.

"I love you too baby." ang kanyang mainit na paghinga ay kumikiliti sa aking tainga.

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now