TOM 50 - Root of Evil

1.7K 70 28
                                    

TOM 50 - Root of Evil

Champagne's POV

Gulong gulo man ang mga utak namin ay sumunod kami nila Teal sa Rare Four na nakatitig sa Heptagome, kay Mauve na tulog.

Umihip ang malamig na hangin ng hawakan ni Lady Cleatha ang barrier ng Seal at sa isang iglap ay dumilim ang lahat.

"Sampid lang siya dito! Kung tutuusin ay inakit ka lamang ng walangyang iyan!" isang babaeng may ginto at mahabang buhok ang nakita ko sa aking paningin.

"Anong inakit? Alam mong hindi iyan totoo! Kung sawi ka sa pag-ibig ay huwag mo akong idamay Elementa!" ngayon naman ay isang lalakeng may gintong buhok ang aking natanaw.

Unti unting nagkaroon ng kulay at kagamitan ang aking kinaroroonan, isang kwartong puno ng libro.

Bakit ba parang napuntahan ko na ito?

"Binabalaan lamang kita, mapanganib siya, mapanlinlang at tuso. Mag-ingat ka Elemento." umalis iyong babae at naiwan ang lalakeng umiiling.

Lumipad ang babaeng may ginintuang buhok gamit ang kulay lila niyang mga pakpak.

Nagtungo siya sa isang talon, sa silanangang bahagi ng lupaing kinalalagakan ng kanilang palasyo.

"Ooooh Ondinus sige pa......" nanlaki ang mga mata Elementa ng marinig ang halinghing na nanggagaling sa isang bahay sa likod ng talon.

Nagngingitngit sa galit na pinasok iyon ni Elementa at bumungad ang isang hindi napakagandang eksena sa kanyang mga mata.

"Hayop ka Ondinus!!!" tili nito at agad na sinugod si Ondinus na nakahubad kasama ang isa pang babae na mayroong kulay bughaw na buhok.

Trinket of MauveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ