TOM 43 - Dualinial

1.4K 69 26
                                    

TOM 43 - Dualinial

Champagne's POV

Hinihingal kami ng naabutang nakikipaglaban sila Silver, Flax at Myrtle sa grupo ni Lilith.

I saw her evil smirk at mabilis akong lumipad papunta sa kanya.

"You btch! Where's Hueri?!" agad kong pinaikot sa kanyang umaalong buhok ang aking Scepter saka siya pwersahang pinadapa sa lupa.

"She's ours now! At kayo?! Kasama ang mga magulang niyo ay itatakwil ng Arkaios! Maglalaho kayo!" humawak ang malamig niyang kamay sa aking paa at sa isang iglap ay siya na ang nasa aking itaas.

Mula sa kamay niya ay lumabas ang itim na usok saka nagmaterialized ang isang itim na dagger.

"I won't fail this time Yin. You'll die in my hands." bago pa man niya ako masaksak ay sinipa ko na ang kanyang ulo na naging dahilan upang gumulong siya palayo sa akin.

Tumayo ako agad at napasinghap ng makitang lahat kami ay nakikipaglaban.

The only thing is, kami ang lamang sa bilang dahil napunta na sa amin si Rouie.

"Nagawa mo pa talagang kumbinsihin si Rouie na sumapi sa inyo?! How pathetic are you?!" pinatunog ni Lilith ang kanyang leeg na tila ba naghahamon sa akin.

Pinagsalikop niya ang kanyang dalawang kamay saka lumabas ang isang itim na broadsword sa kanyang harapan.

Pinahaba ko naman ang aking Scepter saka iyon ginamit upang makakuha ng malaking pwersa sa pagtalon.

Agad kong inasinta ang grupo ni Lilith at nagpaulan sa kanila ng Aura Balls.

Napuno ng itim na usok ang lugar na iyon.

At isa isang lumipad paitaas ang aking mga kasama.

"Nice one Chams." Myrtle gave me a thumbs up.

Napangiti ako. We can still win. We should and we will.

"Oh sht." napalingon ako sa nagmurang si Azure at kitang kita ko ang isang galamay na gawa sa apoy ang pumulupot sa kanya.

Hinila siya noon at agad kong hinawakan ang kanyang kamay.

"Bumitaw ka Astrid!" he glared at me but I shook my head.

Hindi niya maigalaw ang kanyang kamay na humahawak sa kanyang sandata kaya ako na ang tumulong sa kanya.

Bumagsak kami sa lupa at agad kong naramdaman ang ilang presensya sa aming paligid.

Bloody traps.

"Couples eh?!" nakita ko ang isang lalakeng Salamander.

"Erif!" I heard Lilith's voice.

"Can I take Yin? Gusto kong makipaglaro." tumalim ang tingin ko sa kanya at di ko namalayang tumayo na si Azure para sugurin siya.

"P*tangina mo! Hindi siya laruan!" tumama sa panga nung Erif ang matigas na kamao ni Azure.

Napangiwi ako ngunit nagulat ng biglang yakapin ni Lilith si Azure mula sa likod.

Isang yakap na hindi dahil sa pagpigil, mas malalim pa iyon doon.

"Bakit mo ba hinahayang masaktan ka ng dahil sa walang kwentang babaeng iyan?" may kung ano sa aking sistema ang biglang nagliyab.

Trinket of MauveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora