TOM 47 - Neves

1.5K 72 16
                                    

TOM 47 - Neves

Champagne's POV

Tinulak ako ni Teal papalayo sa kanya.

"Takbo na!" sigaw niya.

Nagkahiwa hiwalay kami ng daan. At napatago ako sa isang malaking bato.

Humawak ako sa aking dibdib at damang dama ng palad ko ang mabilis na pintig doon.

Fvck.

Habol hininga man ay pinilit kong sumilip sa kinaroroonan ng Beast.

Ang lakas pa rin ng hanging dulot ng pakpak nitong kasing laki ata ng walong tao.

Yumanig ang lupa ng makababa ito at halos mapaupo ako dahil doon.

Kung kanina ay takot ang naramdaman ko, ngayong nakita ko ng kabuuan ang Beast ay kulang ang salitang iyon upang depinahin ang kung ano mang nakakapagpalambot sa aking sistema ngayon.

I can feel my body trembling hard.

Ang katawan nito ay purong kulang lila ngunit ang ulo at mga mata ay magkakaiba.

Pula, dilaw, bughaw, luntian, itim, puti at rosas.

Oh sht. The colors of the elements!

Namataan ako ng ulo niyang kulay pula at ang sunod ko na lamang na nakita ay ang aking pagtakbo habang hinahabol ako ng Beast na bumubuga ng apoy.

The heck?!

"Chammy!" nadinig ko ang boses ni Teal na sinundan ng isang palahaw mula sa Beast.

Lumamig ang paligid at nilingon ko ang nasa aking likuran.

Kulay puti ang naroroon, may bahid ng bughaw at luntian.

Nasa ere si Teal na nagpapaulan ng kakaibang arrows.

Woah.

Pinaghahalo niya ang tubig at hangin upang makagawa ng yelo! Kagaya ng kay Tito Frost!

Mabilis kong nakita ang papasugod na si Silver. Dala dala niya ang kanyang dalawang espada at sabay na pinatama sa dibdib ng Beast.

Umungol ang Beast at sumugod na rin ako, kasabay si Hueri mula sa kabilang dako.

Ang sugat na ginawa ni Silver ang inasinta ko.

Gamit ang aking Scepter na pinatulis ang dulo ay ginamit ko iyon bilang sibat.

Si Hueri naman ay pinipigilan ang mga ulo ng Beast sa pamamagitan ng sandata niya.

"Cha......" hindi ko maintindihan kung bakit tila nawala ang pandinig ko ngunit naramdaman ko ang aking sarili na tumalsik sa malayo bago ko pa man maibato ang aking sandata.

Hilong hilo man ay pinilit kong makatayo.

Sht.

Umaagos ang kulay itim kong dugo mula sa aking ulo.

Tinanaw ko sila Teal na nakikipaglaban sa Beast.

Iyong pagpigil ni Hueri sa mga ulo ay nagawan agad ng solusyon ng kalaban.

Buntot ang ginagamit niyang pang atake!

Oh ghad.

Did that tail hit me earlier?

Ang kapal nun! Heck!

Pinalis ko lamang ang aking dugo at sumakay sa isang Black Disc.

Tumalsik si Teal ng tamaan siya sa sikmura nung Beast.

Trinket of MauveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon