Special Chapter - SilHue

2.7K 74 23
                                    

Special Chapter - SilHue

Napatigil ako sa pagkain ng biglang tumawa ng malakas si Silver.

Halos makita ko na ang kanyang ngala ngala kaya naman sinipa ko ang paa niya ng mahina.

"Para kang sira." untag ko sa kanya.

"Ngayon ko lang nagets yung joke mo kaninang umaga eh." sinimangutan ko siya.

Kainis naman ang isang ito.

Sa kanya ko na nga lang nasasabi ang mga biro ko tapos di niya pa madaling nakukuha.

"Slow poke. Kay Vino ko na lang kaya sabihin ang mga iyan?" napanganga ako sa reaksyon niya.

Kung kanina abot gilagid ni Rouie ang tawa ni Silver ngayon naman ay mas seryoso pa sa mukha ni Chammy ang sa kanya.

"You're joking Yllona." matalim niya akong tinitigan at napangiti ako ng malawak.

Gagantihan kita Silver Ereth!

"Does my look tells you a joke?" napailing siya at mas lumapit pa sa akin.

He's too possessive!

Nasanay siyang sa kanya ako nakadepende at nagtatago lamang sa kanyang anino.

Mula sa sulok ng aking paningin ay nakita kong pumasok si Vino sa Cafeteria at nagmamadali akong tumayo upang salubungin siya.

Dahil nahuhuli ako ng isang taon sa kanila ng isang taon ay hindi ko sila kaklase nila Chammy.

At sa unang araw ko sa klase ay si Vino ang agad na lumapit sa akin kahit pa may pagkaweirdo ang ikinikilos ko ng mga panahong iyon.

Naalala ko pang para akong isang batang ayaw mawalay noong araw na iyon, halos maluha na ako noon ng iwan ako ni Silver.

Pero mabuti na lamang ay naroroon si Vino na presidente ng klase, ginabayan niya ako at iniiwas sa mga estudyanteng nais akong pagtripan.

Kahit pa sabihing iniligtas ko ang Arkaios, hindi ko iyon ginagamit upang katakutan ako ng iba.

Iyon ang turo ni Mama sa akin, ang maging mapagpakumbaba sa kabila ng malalaking bagay na nagawa.

Si Mama na namatay para lamang maisilang ako ng ligtas. Si Mama na nagpunta pa sa Glimrae upang itago ako.

Si Mama na hanggang ngayon ay alam kong nakabantay sa akin mula sa Elysium.

"Hi Hue!" bati niya sa akin.

Alam kong nakatitig sa amin si Silver kaya naman mas lumapit ako kay Vino.

"May joke ako Vin!" masigla kong saad.

Tumitig sa akin si Vino na tila naghihintay sa aking sasabihin.

Kaya lang bago ko pa masabi ang joke ay naramdaman ko na ang malakas na presensya ni Silver.

"May galit ba sakin yung boyfriend mo?" bulong ni Vino sa akin at iniharap ako kay Silver na ngayon ay niyayakap ng kanyang aura.

Gosh. Mas lamang yung black aura niya! Ibig sabihin ay galit talaga siya!

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Silver sa aking bewang at hinapit ako papunta sa kanya.

"Back off!" singhal niya at nagtaas ng kamay si Vino.

"Chill! Wala akong ginagawang masama pre." ngumisi si Vino at sumulyap sa akin.

Trinket of MauveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon