TOM 22 - Hungry Kumoriju

1.7K 79 24
                                    

TOM 22 - Hungry Kumoriju

Champagne's POV

Ang sarap talagang itapon ng compass na ito.

"Bakit babalik na naman tayo sa Kanluran? Dapar sa Waterlus na tayo nagtuloy!" maktol ni Teal.

Napairap ako, my cousin's right. Pinapahirapan ata kami.

"Wala tayong magagawa kundi ang sumunod." sagot ni Silver na kinakaladkad ang kanya Ash Dualsword.

"Tama si Silver." pagsingit ni Carlie at nagtiim bagang si Teal.

"He's always right for you, ano ang laban ko?" napakagat sa kanyang pang-ibabang labi si Carlie habang si Teal ay naunang maglakad.

Napairap ako. Dinadagdagan lang nila ang init ng ulo ko.

"You don't have to ruin your face by frowning, I'm always here to make you happy." ugh. Madali kong sinundan si Teal dahil ayokong kulitin ako ni Azure, baka masapak ko siya ng malakas.

"Lagi nalang Silver. Kahit umamin na ako, wala pa ring epekto sa kanya." pagmamaktol ni Teal.

Hindi na ako umimik pa dahil alam kong kailangan niya lang ng isang taong makikinig sa kanya, hindi iyong pangangaralan pa siya.

"Dyan talaga sa loob?!" tanong ni Bubblegum habang nasa bukana kami ng isang kweba.

"Yeah, Kagerou Cave." I told them.

"Hoy ayoko dyan! Balitang isinumpa yan dahil sa dating tirahan iyan ng Kumoriju!" bulalas ni Myr.

"I thought you don't believe in those stories anymore?" nakita ko ang kakaibang titig ni Flax kay Myrtle.

Sumunod ang awkward na katahimikan.

"Let's go." gumawa ng Floating Flames si Carlie at dinagdagan iyon nila Silver at Teal ng Floating Lights upang maging gabay namin sa loob ng madilim na cave.

Tingin ko naman ay nahimasmasan na si Teal, I shouldn't worry anymore.

"Malayo pa ba?" hingal na sabi ni Silver at sinimulang kaldakarin ang kanyang espada.

Sa pagkiskis noon sa lupa ay lumikha iyon ng tunog na masakit sa tenga.

"Hey, stop tha....."

"Duck guys! Batpires!" hindi na naituloy ni Teal ang sasabihin niya dahil sa pagsigaw ko.

Dumapo ang isa sa aking braso at agad ko iyong hinampas ng aking Scepter palayo bago pa man ako makagat.

"They have poisons! Remember that!" sigaw ni Azure.

Kanya kanya kami ng atake sa mga Batpires na nagnanais na makatikim ng aming dugo at laman.

"We're almost done!" sigaw ni Myrtle na kasama si Bubblegum at Flax.

Nagpakawala ako ng mga Black Spears na siyang tumusok at tumapos sa mga Batpires na nakaharang sa harapan ko.

Trinket of MauveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin