TOM 39 - Day 3

1.3K 65 16
                                    

TOM 39 - Day 3

Champagne's POV

Kinurap kurap ko ang aking mga mata.

"Holy Coonies!" ano bang nangyari?!

Ang tanging naaalala ko ay ginamot ako ni Bubble, pagkatapos ay umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay nang makauwi si Erra.

Mabuti at nalusutan ni Teal ang mga tanong ng batang nakapigtails!

Naiwan si Azure sa ibaba dahil matindi ang tinamo niyang mga sugat.

Kidlat yung kalaban niya eh! Tapos siya tubig ang kapangyarihan, malamang sa malamang dehado talaga siya.

Ngunit pagbukas namin sa pinto ng kwartong itinuturo ng compass ay sumalubong sa amin ang kakaiba at masakit sa ilong na amoy.

Pagkatapos ay wala na akong matandaan.

"Teal! Teal!" tawag ko sa aking pinsan.

Lahat kami ay nakaangat sa ere at nakagapos sa nagkakapalang vines na nagmumula sa bintana ng kwarto.

Ang compass ay umiilaw pa rin at nakaturo sa isang parisukat na pigura doon tabi ng isang painting.

"What the heck?" lumingon lingon ang bagong gising na si Teal.

"Chammy are you alright?" tanong niya at tumango ako.

Mukhang lahat kami ay nakatulog lamang.

Imposible namang kagagawan ito noong mga nakalaban namin dahil walang may kapangyarihan sa kanila ukol sa pagkontrol ng mga halaman.

Hindi kaya..... si Bubble?

Pero imposible rin, kagaya rin ng lagay namin ang sitwasyon niya ngayon.

Then who did this to us?

Nasilaw ako sa maputlang araw at unti unti ng sumisikat ang araw.

The heck? Halos isang araw kaming tulog? Anong kalokohan na naman ba ito?

"Bubblegum! Wake up!" sigaw ko.

Siya lang ang makakatulong sa amin.

Hindi ko akalaing ganoon kabilis lilipas ang tatlong araw na palugit sa amin ni Moiran.

Pero sa tingin ko, kaya kami dito sa parteng ito ng Glimrae napadpad ay dahil naririto talaga ang aming hinahanap.

Maililigtas na namin ang Arkaios!

"Nagugutom na ako!" inis na sambit ni Bubblegum at walang kahirap hirap na nakalag ang mga vines na nakagapos sa kanya.

Dire diretso siyang naglakad patungo sa pinto at lumabas.

"HOY PAKAWALAN MO MUNA KAMI!" sigaw ni Myrtle.

"Anak naman ng...." I cursed ng mahulog ako sa sahig.

Butt first!

Ang lecheng si Bubble! Hindi talaga makakausap ng maayos kapag gutom na gutom.

Sukat ba namang pakawalan kami ng walang abiso?

Mukha yatang napipi ng husto aking pwetan.

Nakakaasar.

Agad akong tumayo kahit na masakit ang katawan ko.

"Silver?" gulat kong sambit ng makita siyang nakatayo sa nakabukas ng parte ng dingding!

Para iyong patagong parte ng kwarto!

Trinket of MauveWhere stories live. Discover now