Chapter 46: Clingy

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang saya saya ko. Kung umasta kasi sya, parang hindi nangyari yung nangyari. Balik normal talaga kami and all thanks to her dahil pinatawad nya ko at kinalimutan nya ang dark past namin.

She's making me fall in love with her over and over again.

After an hour, natapos na namin lahat ng assignments nya.

"Hay salamat!" tumayo sya at nag unat unat.

Pinagmasdan ko lang sya ng may ngiti sa mga labi.

She's beautiful in everything that she do. She's perfect to me. She's perfectly enough to be my wife.

Ilang taon pa ang hihintayin namin pero handa akong maghintay. Sya kasi yung jackpot sa dulo kaya gagawin ko ang lahat para makuha sya.

18 palang kami, mga limang taon pa bago ko sya mayayang magpakasal. Limang taon nalang at magiging akin na sya. Magiging akin na ang babaeng pinakamamahal ko.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?" taas kilay nyang tanong.
Ngumiti lang ako lalo bago sya hinila papalapit sakin.

Tumayo ako at mahigpit syang niyakap.

"I just realize how lucky I am to have you" bulong ko sa tenga nya. Hinampas nya ko ng mahina bago lumayo. Hinawakan pa nya yung tenga nya.

"Ano ba V. Nakikiliti ako" sabi nya nang namumula ang pisngi.

I smiled again.
Ginulo ko ang buhok nya kaya kinurot nya ko sa bewang.

"aww" daing ko. "Anong oras na ba?" Napatingin ako sa orasan. Only to find out na 1 pm na pala at di pa kami nakakapag lunch.

"Geez. Hapon na pala. Gutom ka na?" I asked her. Tumango sya ng isa bago ulit yumakap sa bewang ko.

Abaaa. Nagiging Clingy ang girlfriend ko ah! Pero okay lang! Kahit wag na syang bumitaw!

"I'll cook" prisinta ko. "What do you want?" hinahagod ko ang ibabaw ng ulo nya habang tinitignan syang nakasubsob sa dibdib ko.

"Kahit prito nalang para mas madaling lutuin" sagot nya.

"Okay" sabi ko.

Hindi muna ako kumibo. Iniintay ko kasi syang bumitaw sa yakap para makapunta na kong kusina.

"Uhm" Ayoko sabihing alisin nya ang yakap nya pero kailangan eh. "I need to go to the kitchen" I said.

"then go" mahinang anas nya.

Nakamot ko ang batok ko. Pano ko ba sasabihin.

"I can't move"

Tumingala sya para tignan ako.

"Okay. I'll move for you then" aniya bago naglakad paatras nang..... Yakap yakap parin ako.

Natawa nalang ako sa kakulitan nya.

Halos nabunggo nya na ang pwedeng mabunggo na gamit papuntang kusina pero hindi parin sya kumakalas sa yakap nya sakin.

"Ang bango mo" pabulong nyang sabi pero narinig ko kaya mas lalong napalakas ang tawa ko.

"pabango mo to eh" sagot ko sa kanya. Pano ba naman kasi, Pasimple nya kong inisprayan nung victorias secret nya kanina.

Hinawakan ko ang mga braso nya at kinalas sa bewang ko. Tinalikuran ko sya para humarap sa ref pero binalik ko din ang mga braso nya payakap sakin. Bale, ako na ang gumawa ng paraan para nakaback-hug sya sakin.

"Fried Chicken nalang? Or Pork chop?" Tanong ko habang nililibot ng tingin yung ref.

"Chicken!"

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon