Saglit na kumunot ang noo niya. "Okay. I'll text him to leave."

"Andito na siya?" Tumango siya. "'Wag na. Sayang naman ung pagkain pati ung pagod niya. Kala ko papunta palang siya dito. Ite-text ko nalang si Mimi."

Nang matapos akong mag-text ay tinahak namin ang daan papunta sa faculty room. Nang mapadaan kami sa room namin at nakita ko ung report ni Hyacinth. Sigurado akong sa kanya 'yon dahil nasa upuan niya.

Tutal magpapasa na naman kami kaya sinabay na namin.

"No extensions and no other conditions. Kung wala kang maipapasa during lunch time then wala akong magagawa. I would have to give you a failing mark para sa project na 'to."

"Pero, sir. Meron naman po talaga akong ginawa..."

"Then nasa'n?"

Hindi makasagot ang lalaking naabutan namin na kausap ni sir. Kawawa naman siya. Mukha siyang frustrated dahil ayaw bigyan ni sir ng palugit. Isa pa, pinapagalitan siya sa harap ng ibang mga professors.

Kilala ko siya sa mukha. Scholar din siya galing sa kabilang department.

Natapos sila nang walang nangyari. Hindi siya binigyan ng palugit kaya bagsak daw siya sa project.

Kami naman ang sumunod na humarap kay sir. Pinasa lang namin tapos tinignan niya saglit. Nang okay na ay sa forest kami tumungo. Ando'n na si Stephen. Binati ko siya at ganun din siya sa'kin.

Umalis din ito agad.

"Ang sarap naman nito." Hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero ang sarap. Pork barbecue na may white sauce. Yung white sauce ung masarap.

"Stephen is also my cook."

Tumango ako habang ngumunguya. "Asan na nga pala si Nana Mila. Pati si Makoy hindi ko na nakakausap. Yung huling tawag niya last month pa 'ata."

"They're together." Aniya. "Nana Mila isn't really my grandmother. She's one our maids before. She recognized me when I went to Oliver and I didn't know she lived there. She offered me home and it's time to pay her back."

"Binigyan mo siya ng bahay?" Tinignan ko siyang magsalin ng tubig sa plastic na baso habang naghihintay ng sagot.

"A comfortable house with people who nurse her. Mark's with her. Binigyan ko na rin siya ng trabaho sa kumpanya. All around boy and as long as he passed college, his position will change. Nag-aaral siya sa public school with allowance kaya siguro busy siya."

Nagpasalamat ako sa kanya. Tuwa at gulat ang naramdaman ko. Tinulungan niya pati si Makoy at pinag-aral pa. Ang pangarap ni Makoy na makatapos ng pag-aaral ay mangyayari na at dahil 'yon sa tulong ni Seven.

"If you're so grateful then, why don't you give me a kiss to compensate? At isa pa, nauuhaw na 'ko."

"Ano ka ba! Edi mag tubig ka at hindi kita hahalikan."

"Why? You're my girlfriend. What's wrong if we kiss?"

Nilibot ng paningin ko ang paligid. "A—Ang daming tao."

"Then I'll be expecting it later."

Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya at inabala ang sarili sa pagliligpit ng mga baunan.

The Good Between Badजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें