Chapter 56 - Who's Jealous

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kapag talaga pumalpak itong planong naisip niyo at lalo akong nilayuan ni Diana. I'm gonna kill you both."

 

"Walang killing na mangyayari James. Trust me."

 

Tinitigan ko lang si Dominic. Mukhang sobrang confident niya. Siguruhin niya lang talaga. Alam ko kasing totohanin ni James ang sinabi niya. Papatayin niya talaga kami kapag nagkataon.

"Ano nga ulit pangalan mo magandang miss?" tanong ko sa babae. Nakalimutan ko eh. Gwapo lang ako hindi matalino.

"It's Erica." sabi niya sabay lapit sa amin. Nagpa-audition kaming dalawa nang pwedeng magpanggap na girlfriend ni James para pagselosin si Diana. At itong babaeng ito ang nadatnan ni Diana kanina. Ang gwapo namin para maisip ang ganitong plano di ba?

Kahit pa sabihin nating kakaiba si Diana babae pa rin siya. And woman just happen to be our expertise. (Insert gwapo laugh here.)

 

"Okay Erica. Tanggap ka na."

 

Wala na rin naman kaming pagpipilian. Nakita na siya ni Diana eh. Baka kapag iba ang kinuha namin ay magtaka iyon at mahuli kami. O hindi naman kaya isipin niya na playboy si James. Eh di papalpak pa plano namin. Mamatay pa ako nang wala sa plano.

"Iyong babae kanina, siya ang pagseselosin mo."

"Well it would be easy Dominic. Judging from her reaction kanina, malamang ngayon pa lang selos na selos na yun."

"Basta tandaan mo Erica. Hindi mo pwedeng ipaalam sa iba ang tungkol dito. Hindi mo din pwedeng sabihin sa iba na girlfriend ka ni James, kasi ang alam nila si Diana ang grilfriend niya. Higit sa lahat hindi ka pwedeng mainlove sa kanya. Naiintindihan mo? Pero kung sa akin ka maiinlove okay lang sa'kin"

 

Pasensiya na. Type ko eh.

 

"Don't worry Albert. Hindi ako maiinlove sa kanya. I already have someone special in my heart."

 

"Does it mean na basted ako?" Sayang naman.

 

"Parang ganun na nga. Hahahahaha."

 

"Pero pwede naman siguro tayong maging friends? With benefits." Hindi na sapat ngayon ang gwapo dapat pursigido rin.

 

"Did something happen? Nakasalubong ko si Diana."

 

Napalingon kaming lahat kay Stephen na kadarating lang. Nakita ko na parang kumislap ang mata ni Erica. Kaya pala ayaw tumalab nang kagwapuhan ko, si Stephen pala type nito.

"At sino naman tong babae?"

 

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon