Absent nalang kaya ako?

Dumiretso ako sa parking lot. Mamaya nalang ako magdedesisyon. Tatansyahin ko nalang mamaya kung kaya pa.

Nakita ko agad si Seven sa parking lot. Nakasandal sa harap ng kotse niya na akala ko dati kay Oliver. Isang asul na Audi.

Nagtetext siya gamit ang isang kamay. Nakalagay sa bulsa niya ung isa. Lumawak ang ngiti ko at huminto.

Malakas ang kutob ko na ako ang tinitext niya. Hindi nga ako nagkakamali dahil mabilis ko itong natanggap. Tinatanong kung nakalabas na 'ko.

Hindi na 'ko nagreply at lumapit pero bago no'n ay napansin ko ang ilang mga schoolmate kong nakatingin sa kanya.

Karamihan babae. Nagbubulungan tapos nagtatawan. Yung iba nagkukulitan tapos nag-aasaran.

Bumuntong hininga ako. Minsan ako din pinagbubulungan pero hindi gaya ng sa kanya dahil sa kanya paghanga. Sakin naman, parang hindi sila makapaniwalang ako ang girlfriend ni Seven.

Nagsimula 'yan matapos nung unang araw ng sem. Ang bilis kumalat ng balita. Isang araw palang alam na nila ung tungkol sa pamilya ni Seven at tungkol sa'kin.

Bumababa man ang self confidence ko sa mga naririnig, pinipilit kong 'wag pansinin. Sumugal ako kay Seven. All or nothing na 'to. At nagpapasalamat ako dahil pinaparamdam sa'kin ni Seven na hindi ako natalo.

Sana magtuluy tuloy na 'to.

Nawala ako sa pag-iisip nang mapansin kong papalapit si Seven. Nakangiti siya kaya binura ko lahat ng iniisip ko kanina at ngumiti din.

Hinalikan niya agad ako sa noo at kinuha ang kamay ko. Hindi ko pinansin ang bulung bulungan sa paligid at nagpadala sa hatak ni Seven.

Binuksan niya ang pintuan sa passenger seat. No'n niya lang binitawan ang kamay ko nang sumakay ako. Tinignan ko siya habang naglalakad papunta sa driver's seat at hanggang makasakay din ito.

Ngumiti ulit siya sa'kin bago nag drive.

"Where do you want to eat?"

"Okay lang ba kung sa bahay nalang tayo kumain? Gagawa pa 'ko ng report, eh. Tapos mo na ba yung sayo?"

"Last week pa."

Wow! Napanganga ako sa sinabi niya. Fifty pages yung report na 'yon tapos two weeks lang ang ibinigay samin bago ang pasahan.

"Ang galing mo..."

Nagkibit balikat siya. "Time management."

Pareho sila ni Hyacinth. Grabe! Siguro dapat matuto na rin ako ng time management.

Nagtake-out kami ng pagkain sa Sbarro tapos sa apartment kami dumiretso. Nagmadali akong pumasok sa kwarto at ni-lock ung pinto.

Mahirap na. Baka makita niya 'kong nagpapalit. Nakakahiya.

Matapos magbihis ay lumabas na 'ko bitbit ang kalahating pad ng yellow paper, ballpen at mga libro.

Inaayos niya ung pizza at spaghetti nang makita ko siya sa kusina. Umupo ako sa sahig sa pagitan ng sofa at nilapag ang mga dala ko sa center table.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now