#24//: Math Camp Pt.5

Start from the beginning
                                    

O yes! I forgot na ako pala may gusto na layuan niya na ako. Kasi ganun naman talaga kaming mga cassanova... lalayo agad kapag nararamdaman na na iba na ang gusto ng mga babae. Iyong tipong nagpaparamdam na ng pagiging possessive.

Im just being wise okay. Tumusok nalang ulit ako nang mallows sa stick saka napatingin ulit sa dalawa. Makatawa sila kala mo katapusan na ng mundo. Tss.

. . . JR POV . . .

"You're so silent ahh." Pansin ko kay Red na antahimik yata ngayon. At himalang walang kasamang chikass.

"Wala naman kasi makausap .." Bored nitong sabi saka kinain ang hawak nitong mallows.

"Owsss. Ikaw walang makausap? Asan na ang pinagmamalaki mong charm na hindi matatanggihan ninuman ?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Inggit ka lang sa charm ko pards at syempre kailangan ko rin naman magpahinga sa mga babaeng habol ng habol sa akin nuh..." mayabang nitong sagot.

"Ako maiinggit sa iyo?? Yow dudes hindi ako babaero na tulad mo.." Sabi ko habang tinapik-tapik ang balikat niya.

"Gwapo lang talaga ako kaya habulin ng mga babae.." Sabi niya na itinuwid ang mga paa at nag-unat.

"Bored ka nga. Pero ang lakas pa rin ng hangin sa ulo mo " Kumuha ako nang stick saka nagsulat nang kung ano-ano sa lupa. Patuloy naman kakastraight nang paa si Red. Ganyan iyan pag-bored.. ini-straight iyong both feet.

"Hello Red. Hello JR .. " Si Rain na umupo sa harap namin ni Red.

"Hi Rain.. di mo yata kasama si Aron?" Bati ko dito. Lagi kasi kasama ni Aron iyan. Sayang nga eh. Naunahan kasi ako ni Aron. Crush ko rin kasi si Rain. Pero dahil mahal ko ang mga kaibigan ko ayaw ko gumawa ng bagay na makakasira sa amin. Kaya pilit ko nalang binubura ang nararamdaman ko kay Rain para kay Aron.

"Nakita niyo ba si Aron?" Tanong nito na luminga-linga pa.

Tama ako di ba? Si Aron lang naman ang lagi niyang hinahanap. Ewan ko nga at bakit di man lang nililigawan ng baliw na iyon si Rain eh obvious naman na gusto niya rin ito. Anyway torpe pala ang loko.

"Nasa tent na namin inaantok na daw eh. May kailangan ka ba sa kanya?" Tanong ko.

"Ganun ba ? Magpapatulong sana ako kaso sige wag nalang ..." Aalis na sana siya nang tawagin ko siya.

"Wait! Baka pwede ako makatulong sayo... proxi muna ako ni Aron !" Offer ko. Ngayon lang naman ito kaya wag na kayo mag-isip ng masama. Tutulong lang naman ako ehh.

"Talaga? Salamat kung ganun." Masaya nitong sabi saka ako hinila papunta kung saan.

. . . Ren POV . . .

Sigh. Bakit ko ba sinasamahan pa ang isip bata na ito? Nakakainis na. Lalo na at pinapagod na niya ako ng sobra.

"Can you let go of me now? " Masungit kong sabi dito.

Ang higpit kaya ng hawak sa akin. Este sa damit ko. Andito kami sa tent nila ngayon at gusto niya pa tabihan ko siya sa pagtulog. At magpapakwento pa ng fairytales!

The heck with this!! Ano akala niya sa akin? Nanay niya? Yes I look like girl but hindi naman mag-mother ang beauty na biyaya sa akin!

"Hindi ako makatulog Daddy ehh.." paawa niyang sabi na lalong humigpit ang kapit sa damit ko.

Ang gusto niya na tawagan namin ay daddy at mommy dahil may baby na naman daw kami. See? Isip bata tlaga.. feel pa laruin ang BAHAY-BAHAYAN!

"Inaantok na ako. Im going okay?!" Sabi ko.

"Kwentuhan mo muna kami ng baby natin ng fairytales! " Siya na parang di narinig ang sinabi ko na aalis na ako.

"Tss.. in your dream !" Inis kong bulong sa sarili ko.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now