Sumalubong si Elizabeth sa kanya at may sinabi. Kita sa kilos at mga salita nito ang pagiging maingat at kaba na para bang hindi siya dapat magkamali sa harap sa amo niya.

Tumango lang ito at umalis. Lumapit naman sa'min si Elizabeth para sabihin na handa na ang hapag.

Parang ayaw ko na tuloy kumain. Makakasalo ba namin siya? Malamang sa malamang...

Lumapit sa'kin si Seven habang naglalakad kami pabalik ng mansion. Ang sabi niya ay ipapakilala niya 'ko sa family niya na agad kong tinanggihan.

Huminto siya sa paglalakad para tignan ako. Salubong ang mga kilay at magkahalong inis at pagtataka ang tingin nito.

Pinaliwanag ko naman. Sinabi ko na hindi pa 'ko handa. Isa pa, kinakabahan ako. Nakakatakot kasi ang mama niya. Mas maganda sigurong ihanda ko muna ang sarili ko kapag pormal 'kong pinakilala.

Alam kong ayaw niya ang desisyon ko dahil hindi natanggal ang kunot sa noo niya. Bumuga ako ng hangin. Parang excited pa naman siya kaso di ko talaga kaya. Hindi niya maintindihan pero wala siyang sinabi. Alam kong masama ang loob niya dahil umalis siya sa tabi ko at naunang maglakad.

Isa pa, hindi ko lang masabi sa kanya, nanliliit ako sa mga nakikita ko dito.

"Mommy! Ate Nine's escaping again!" Isang batang lalaki ang tumatakbo. "I saw her. Bilis, mommy."

"Mom, don't be hard on her." Agad na nilapitan ni Seven ang mama niya. Ito siguro ung tungkol sa ginawa daw ni Nine kaya umiiwas siya sa mama niya.

"Don't worry, my son. It's already been taken care off."

Halatang na miss nila ang isa't isa kaya minabuting bigyan sila ng oras at nauna na kami sa hapag. Hindi naman sila nagtagal pero mas may nauna sa kanilang dumating.

Hindi siya nagulat nang makita kaming nakaupo. Nang lapitan niya kami ay do'n dumating sila Seven.

"Dad."

Pare pareho silang nakangiti. Niyakap ni Seven ang papa niya. Humiwalay siya matapos mabigyan ng tapik sa likod.

Lumapit siya sa mama ni Seven at mabilis na ginawaran ito ng halik sa noo.

"Aren't you tired from the flight? Are you hungry?" malambing niyang tanong.

"A bit."

Napalitan ng kinang ang kanina'y kakaibang tingin niya. Pareho sila. Kahit sinong nakatingin ay sasabihing mahal na mahal nila ang isa't isa.

Ang gintong singsing sa kani-kaniyang mga daliri ang patunay no'n.

Nakangiting binalingan kami ng lalaki. "Ahh.. You're the people Seven was talking about."

Nagpakilala sila sa'min bilang si Miss Rainne ar si Sir Kristoff. Mga magulang ni Seven. Hindi na 'ko nagulat do'n halata naman kasi.

Namangha sa gulat ung mga kasamahan ko nang malaman nila 'yon. Lumapit din sa'min si Kris. Ung batang lalaking black ang buhok na halatang bibo. Thirteen years old. May dimples din ito gaya ni Seven. Si Alissandra pala ay walong taong gulang lang.

Habang hindi mawala ang hiya at ilang sa katawan ko ay matapang namang hinarap ng grupo ni Bianca ang mga ito. Ganoon din si Hyacinth.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now