Bumaba naman narin akong mag-isa dahil alam kong hindi naman niya ako pag bubuksan. "Bat mo ginawa 'yon?" May halong inis niyang tanong.
Kunot noo naman akong tumingin sa kanya. "Ang alin ba?" Inis ko ring tanong sa kanya.

Napa irap na lamang siya at napa iling iling. Inalok naman na niya sa akin ang braso niya. Muli ko nanaman siyang tiningnan. "Kaya ko sarili ko." Sabi ko.

Narinig ko ang mahina niyang pag tawa. "Hindi mo ba ipapakita sa mga Lola mo na sweet tayo?" Tanong niya bigla.

Pero hindi ko na siya pinansin pa. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

Hanggang sa makapasok na kami sa Lobby. Kaagad na may sumalubong sa aming lalaki. "This way Ma'am and Sir." Turo ng lalaki sa amin. Nginitian ko na lamang siya.

Pag bukas na pag bukas naman ng pinto. Kamuntikan na akong matumba pero kaagad na may sumalo sa akin. Umayos naman agad ako ng tayo. "Akala ko ba kaya mo sarili mo?" May halong pang aasar na tanong niya.

Nagulat kasi ako. Akala ko ba? Ang Grandparents niya lang at Grandparents ko ang pupunta at kaunting investors? Bakit nandito si Morgan at Micah?!

"I did not expect this." Bulong ko.

Nag simula na siyang mag lakad, akala ko iiwanan niya ako pero hindi. Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa kamay ko at inalalayang akong mag lakad patungo kila Krystal. Sabay naman kaming umupo at tabi pa kaming dalawa. Sht.

"Hi Hija." Bati sa akin ng Grandparents ni Kris. Ngumiti naman agad ako sa kanila para magbigay galang. "Good Evening po." Sabi ko.

Napa tingin ako sa magulang ni Morgan, nandito rin pala sila. And it seems they're very close. Kay Micah. Nakalimutan na kaya nila ako?

Sa pag iwas ko ng tingin sa kanila nagtama ang mga tingin namin ni Morgan. Gustuhin ko 'man ngumiti sa kanya pero may iba sa mga tingin niya sa akin. "Ate!" Napa lingon ako sa kapatid ko na nasa piano ngayon. Ano naman ang gagawin niya?

Ang kapatid ko talaga oo. Ilang sandali pa ang lumipas. Kung ano ano ang ginawa nila. Namin, kumain, nakipag kwentuhan. Nagtawanan. At dahil sa medyo kailangan ko na ng sariwang hangin. Nagpaalam muna ako na lalabas muna. Kasalukuyan kong tinitingnan ang building na nag mistulang christmas lights nalang dahil sa taas ng building kung nasaan ako.

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko nasisikipan ako kung nasaan ako ngayon. "Congrats.." Narinig ko ang pamilyar na boses. Tumabi naman siya sa akin pero may pagka malayo ito. "M-morgan." Sabi ko. Hindi ko kasi inaasahan na susundan niya ako dito. Teka? Susundan? Napaka assuming ko nanaman oo.

"Asan si Micah?" Tanong ko para mabawasan ang pagka ilang ko. "I brought her home, pinapauwi na siya nina Tita." Sagot niya. Tumango tango na lamang ako sa sagot niya. "Nagulat ako.. Ikakasal ka na pala next month." Sabi niya. Gusto kong iwasan ang sinabi niyang 'yon. Pero paano naman? Ano gagawin ko? Lagi niyang binabanggit.

Magsasalita pa sana ako pero napa tingin ako sa dumating. Ang Lola ni Kris. "Ahm.. Hijo Morgan. Pwede muna ba kaming mag usap ni Jess?" Pormal na pakiusap ng Lola ni Kris kay Morgan. "Ah opo. Sige po." Sabi agad ni Morgan.

Pero tumingin muna siya sa akin bago bumalik sa loob. Tiningnan ko naman ang Lola ni Kris, ngumiti agad ako dito. Ano naman kaya ang sasabihin niya?

Tumabi ito sa akin. "Ikaw pala ang mapapangasawa ng apo ko." Sabi nito sa akin habang naka tingin sa kawalan. "Mabuting bata si Kris.. pero simula nung nag hiwalay sila ng Girlfriend niya. Nagbago siya." Kwento ng Lola sa akin.

May Girlfriend siya? "B-bakit po nag hiwalay?" Tanong ko. Huminga naman siya ng malalim bago sumagot. "Dahil sa arrange marriage niyong dalawa." Sagot niya.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. So it means? Yoon ba ang sinasabi niyang. Hindi ko alam kung anong bagay ang nawala sa kanya? Pero bakit niya sa akin sisihin? Hindi ko rin naman ginusto ang makasal ako sa kanya. At isa pa. Sino yung babae?

"Pero.. Maganda rin ang arrange marriage na 'yan." Sabi niya bigla.

Tumingin agad ako sa sinabi niyang 'yon. Maganda? Maganda pa sa lagay na 'yon eh nag hiwalay nga si Kris saka yung girlfriend niya. "Arrange marriage din ako." Narinig ko pa ang mahina niyang pag tawa. "A-ano po?" Gulat kong tanong.

"Oo, sa Lolo niya. Parehas kaming may minamahal na iba 'non, pero mapilit ang parehas naming magulang. Ipinagkasundo kami." Natatawang niya pang kwento.

"Ano po nangyari sa minamahal niyo?" Tanong ko. Tumingin siya sa mga mata ko at nginitian ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kaya kayong dalawa, kahit alam kong ayaw niyo sa isa't isa. Matutunan at matutunan niyong mahalin ang isa't isa kapag nasa isang bubong na kayo. Ganyan din kami ng Lolo ni Kris. Ayaw sa una pero sa huli. Minahal din." Natatawa pa siya habang sinasabi niya 'yon.

Ang sunod niyang ginawa. Ipinatong niya ang palad sa tapat ng dibdib ko. "Hija.. When the times come, don't lose your self." Sabi niya.

Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. "Kung gusto mong tanungin kung ano ang nangyari sa mga minamahal namin noon, Better to ask your grandparents Hija." Sabi niya pa.

"S-sige Po." Nasabi ko na lamang. "Hija.. I want to ask a favor from you." Malambing na sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya. "A-ano po 'yon?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at bahagyang nilingon si Kris na ngayo'y naka talikod sa amin. "Please.. Don't. Hurt. Him. Nasaktan na siya, ayokong muling mangyari yon." Pakiusap niya,

Hindi ko nagawang mag salita ng sabihin niya 'yon. Ngumiti na lamang siya sa akin at muling bumalik na sa loob.

**

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें