Ch. 21: Pageant Night II

Start from the beginning
                                    


"Magagawa ko iyon but without sincerity."-sagot ko habang palingon lingon sa paligid, mabuti nalang dahil sa busy ang mga tao ay walang nakakapansin na nag-uusap kami.


Tinaasan niya ako ng kilay. 


"She's too nervous to even notice that. Basta alam niyang nag-aalala ka, okay na iyon."-bahagya siyang sumilip sa likuran ko. "Papalapit na siya, alis na ako. Bye."-hindi pa man ako nakakatango, tinalikuran na niya ako. Pero bigla rin siyang lumingon uli sa'kin. "By the way, salamat sa kanina."-she half smiled before walking away. And as if on cue, pumantay sa tabi ko si Tamarra.


"Namamalik mata lang ba ako o talagang ngumiti si Aimee sa'yo?"-taka niyang tanong, bahagya pang nakakunot ang noo habang nakasunod ng tingin sa babae.


Nilingon ko siya. "Kinakabahan ka?"-tanong ko na malayo sa tanong niya.


Nagulat siya sa tanong at napalingon sa'kin. "H-Ha? Of course. Sino ba namang hindi."


As expected. "Don't be. Makakasira sa performance natin yan."


"Hindi ka kinakabahan?"


Kung alam lang niya.


"Medyo lang."-sagot ko nalang.


Silence comes next. Nakatayo lang ako at siya naman ang likot likot, kung ano anong ginagawa niya. Hindi ko na lang pinansin dahil baka way niya iyon ng pag-aliw sa sarili para mawala ang atensyon niya sa kaba. Maya maya pa narinig ko na ang emcee na nagbibigay ng remarks. Nagbigay ng signal ang organizers na magready na para sa introduction. Pinaayos uli kami sa likod, pinapila ng magkakasunod at naaayon sa numero namin, saka aakyat sa stage para magpakilala na hindi ko makita kung anong sense dahil kilala naman na kami sa buong campus, halos lahat naman kasi ng contestant sa pageant ngayong taon ay na-talk of the town na ng Thelistine students.


Nagsimula sa pair number one... two... three... four...


Five.


Sabay na naglakad si Andy at Aimee pa-forward, kung nasaan ang microphone. Nakasunod kami ng tingin sa likod nilang dalawa.


"ANDY! ANDY! ANDY!"

"QUEEN BEE! QUEEN BEE! QUEEN BEE!"

"ANDDDDDDDDDY!"


Mas dumoble ang tilian ng students nang sila na ang tumapat sa mic.


"FIRST LAAAAAAADY!"-tili ng isang student at the top of her lungs. Karamihan sa audience ay napalingon sa gawing iyon, kahit kami ay nakuha niya ang atensyon.


Seriously, isang babae lang ang tumili ng pagkalakas lakas na iyon pero narinig ng halos lahat ng tao, including me. At maya maya pa, biglang iyong naging chant ng lahat.

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now