Hindi naman ako masaya kapag andiyan siya. It's actually opposite. Binubwisit niya ako. Sinisira niya araw ko. Does this mean no? So its 1-1.
"Ano pa?"
"Wala na."
"Wala na?"
"Oo. Yan lang alam ko eh. Yan lang naman kasi ang napapanood ko sa mga movies."
"So sa movies mo lang kinuha iyong sinabi mo sa'kin?"
Tumango lang siya. Parang gusto ko na siya sakalin.
"Monique naman eh."
"Bakit?"
"Nakakainis ka naman eh. Seryuso kaya ako dito."
"Seryuso din naman ako ah. Hindi porke't sa movies ko lang nakuha iyong mga yun ay hindi na totoo. Kung makapagsalita to kala mo naman hindi ka rin addict sa mga romantic movies."
"Malay mo naman di ba. Baka hindi naman talaga ganun yun."
"Ganun iyon. Ganun din sabi nang iba. Tsaka kasalanan ko bang hindi pa ko naiinlove?"
"Iyon na nga eh. Tapos kung makapagsalita ka akala mo kung sino kang expert."
"Bakit hindi na lang kaya sarili mo tanungin mo?"
Ano? Tatanungin ang sarili ko? Kaya ko nga siya tinatanong kasi hindi ko alam eh. Sasakalin ko na talaga siya. Konti na lang.
"Ano bang nararamdaman mo kapag andiyan si James?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"What?"
"Well you like him. Kung ano man ang nararamdaman mo when your with him then that's it."
"What?"
"Wala ka na bang ibang alam sabihin kung hindi 'what'?"
Wala talaga. Dahil hindi magprocess sa utak ko nang mag sinasabi niya.
"Anong I like him?" Paano niya nasabi yun eh ako nga hindi ko alam.
"You like James right? Hindi naman magiging kayo kung hindi."
YOU ARE READING
When Suplado Boy Meets Palaban Girl
Teen FictionSi James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan siya ng lahat. Pero anong mangyayari kung makakilala siya ng isang babaeng walang pakialam kung sino siya? Isang babaeng hindi natatakot sa...
Chapter 55 - What
Start from the beginning