Chapter 55 - What

Start from the beginning
                                    

 

"Okay... Kasi naman eh. Ganyan na ganyan mo kasi idefine si James noon eh. With the same exact words."

 

"Makinig ka na nga lang sa'kin."

 

"Oo na. Huwag ka namang magalit."

 

"Hindi naman ako nagagalit eh."

 

"Hindi na kung hindi. Tuloy mo na kwento mo. Mukhang exciting eh."

 

Sa isip ko ay napasimangot ako. Exciting talaga? Kung alam lang niya. Nakaka-ninetynine na isip pa lang ako pero hirap na hirap na ako. Paano pa kaya iyong natitirang nine hundred one?

"Ganito kasi yan. Hindi masabi nung kaibigan ko kung gusto din niya iyong guy. Kasi naman no, sino ba naman ang magkakagusto sa sobrang suplado at yabang na tao di ba?"

 

"Well, kung kasing pogi ni James. Baki naman hindi."

 

Napasimangot na naman ako. This time totoo na. Parang wala naman akong matinong advice na makukuha sa kanya.

"Hoy ano ka ba. Wala naman akong masamang ibig sabihin dun. I'm just merely stating a fact. Hindi mo kailangang magselos."

 

"Ano? Magselos? Anong sinasabi mo diyan Monique?" Paanong napunta sa selos ang usapan?

"Sus. Kunyari pa to. Magkwento ka na nga lang."

 

"Kagaya nga nang sinabi ko kanina. She can't tell whether she likes the guy or not. How are we supposed to know if we like someone?"

 

"You mean signs if we like someone ganun ba?"

 

Tumangu-tango ako.

"Madali lang naman yan eh. Ang pinakauna sa listahan ay ang heartbeat."

 

"Heartbeat?" Ulit ko

"Oo heartbeat. Kapag nakikita mo iyong isang specific na taong yun ay bibilis ang heartbeat mo. Makita mo pa lang siya kakabahan ka na kaagad. Parang nag 10k marathon ka. Ganun."

 

Shit. Bakit parang nakakarelate ako sa sinasabi niya? So yes na sagot. Hindi pwede to.

"Wala na bang ibang signs? Iyong mas reliable?" Iyong mas convincing kamo.

"Ikalawa. Kapag andiyan iyong taong yun ay hindi mo maipaliwanag ang saya mo. Makita mo pa lang siya buo na ang araw mo."

 

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now