Chapter 38: Everything happens for a reason

Mulai dari awal
                                    

"O naniniwala ka na?" sabi nanaman nung demonyita at tinutok sa may ulo ko yung baril na hawak niya. Napalunok tuloy ako.

"Pero hindi lang yan... meron pa,"  bulong niya sa’kin. Bigla siyang may kinuhang laptop at pinakita sakin. Nanginginig na ako. Isang live cam, nandun si liit. Natutulog siya sa isang kwarto. May lalaking nakatayo sa tabi ng kama at may hawak-hawak na kutsilyo. Pinaglalaruan niya pa yun at ngumingiti-ngiti ng nakakaloko habang nakatingin sa’kin. Dinidila-dilaan niya yung kutsilyo na parang adik at unti-unti lumalapit kay baby James.

"’W-Wag! Mga demonyo kayo! Mga walang awa! T-tama na! Ayoko na!" sigaw ko habang tuluyan nang napahagulgol. Wala silang puso! Mga demonyo sila! Mga baliw! Mga! Huuuu! HINDI KO NA KAYA!

"Yan! Ganyan nga! Umiyak ka lang! Siguro naman naniniwala ka na! Ano? Susundin mo ba yung utos ko o uunahin ko nang patayin 'tong batang 'to?" pananakot niya sa’kin.

N-NO! Hindi! Pati bata dinadamay nila. Hindi ko na talaga kaya!

"Oo na! Lalayuan ko na siya! Kaya tama na! Pwede? T-Tama n-na..." pagmamakaawa ko.

"Good girl. Hayan. Buti naman at naisipan mo ring gawin yan," sabi niya at inalis na yung baril na nakatutok sa may sentido ko. Lumayo na rin yung lalake kay liit. Nakahinga ako ng maluwag.

"Pero sa isang kondisyon..." sabi ko naman. Just one last time...

Napangiti siya ng nakakaloko. "Ano yun my dear?" tanong niya.

Lumapit siya sa’kin at may binulong ako sa tenga niya. Napasmirk siya at tumango. "Deal?" tanong niya.

"Okay fine..." sagot ko na lang. Kinalagan na nila si Julia at dinala sa kung saan. Kinalagan na din ako nung babaeng walanghiya na yun. Akala ko papatayin na talaga niya ako eh. I can't do anything stupid right now. Nakatutok lahat ng baril sakin. Dyusko!

I sighed.

"Tandaan mong babae ka! I'm watching Daniel! I have eyes everywhere. Lagi akong nakabantay sa kanya. One wrong move and people you love will die. Una sa listanhan ang batang yun," pagbabanta niya sa’kin at ngumiti nanaman ng nakakaloko. I hate her! I really hate her! Ang sama sama niya! And I think I know now who she is. Walanghiya siya! I even trusted her. Ang saklap lang! She's a devil! An obssessed crazy woman! A psycho. Kaya niyang pumatay ng tao dahil sa lecheng pag-ibig na yan kung pag-ibig pa nga ba ang tawag sa nararamdaman niya. Psh.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang