Chapter 14: Princess

Magsimula sa umpisa
                                    

Dumadagundong ang buong paligid. Nababalutan nang mixed song ni Zedd ang lugar. Ang daming taong nagsasayaw at hindi ko mapigilang igalaw ang katawan ko. Umiinit narin ang pakiramdam ko.

"Tara Hyacinth... Let's dance. Mukang nasa mood na si Maro."

"H-hindi... Okay lang. Dito nalang ako..."

Umiling pa ko at inangat ang kamay ko pero hinila lang ni Mimi 'yon at dinala ako sa dance floor. Kasunod namin si Hyacinth na tumitingin sa paligid.

Umindak agad si Mimi pero ako paang tuod. Pag tingin ko kay Hyacinth ay may kasayaw na siya. Ang bilis. Parang wala pa kaming limang minuto sa dance floor ah.

Nakahanap din ng ibang partner si Mimi. Matangkad, itim ang buhok ay naka v-neck shirt na pinatungan ng dark coat. Titig na titig ito kay Mimi at nakahawak sa bewang habang siya naman ay nakataas ang kamay ay humihiyaw.

May humawak sa tyan ko mula sa likod kaya napaharap agad ako sa gulat.

"Hi there..."

"H-hello."

Natawa ito nang tinanggal ko ang kamay niya. Sa totoo lang gwapo siya lalo na nung ngumiti siya.

Pantay ang mga ngipin niya. Semikal ang buhok niya. Matipuno, matangkad at moreno. Lalaking lalaki at pilipinong pilipino ang dating.

Hindi siya umalis pero dumistansya siya ng konti. Alam niya sigurong naiilang ako pero ung mga kamay niya ay bumaba sa gilid ng bewang ko.

"Ngayon lang kita nakita dito. What's your name?"

"Ano?"

Pasigaw kong tanong. Hindi ko kasi ganong marinig dahil sa sobrang lakas ng music.

"Maro. That's her name..."

Si hyacinth ang sumagot. Kinindatan niya ko at nagpatuloy sa pakikipagsayaw.

"I'm Nyx." Ngumiti ako. "You're not used to this kind of place are you?"

"Pa'no mo nalaman."

"Naglilikot ang mga mata mo. You're stiff on the dance floor and more specially, you don't like close physical contact." Kinuha niya ang dawalang kamay ko at nilagay sa leeg niya. Binaba ko naman agad ito sa balikat niya. "See what I mean?"

Natawa ako. Naging palagay ang loob ko sa kanya habang nagsasalita siya. Hindi na'ko nailang nang magtagal. Lalo na't kailangan naming mag-usap nang malapit sa tenga ng isa't isa.

Bumubulong siya sa'kin nang may kumalabit sa balikat ko.

"Hi, Maro... Pwede ba kitang isayaw."

"O-Oliver?"

Hindi niya na hinintay na sumagot si Nyx at pumagitna sa'min. Nakangiti itong inayos ang salamin niya bago humawak sa bewang ko. Nakanganga lang akong nakatingin sa kanya. Ni hindi ko man lang napansin na umalis na ang kasayaw ko kanina.

"Mukang nag-eenjoy ka, ah."

"Medyo." Sagot ko. "Ikaw? Mag-isa ka lang pumunta dito?"

Nagkibit balikat ito. Hindi ko alam kung bakit yun agad ang natanong ko. Siguro dahil naisip ko na kung nandito siya. Marahil nandito rin si Seven.

"Where's your seat? You look tired."

Gusto kong sabihing hindi pa 'ko pagod pero tinuro ko na'rin ung pwesto namin. Nakita ko na don sina Mimi at Hyacinth, nagbubulungan.

Hinatak ako ni Oliver. Bumati siya sa dalawa bago kami umupo. Bumati rin sila pabalik. Nag-usap pa sila at sa tingin ko lagi nilang nakikita ang isa't isa rito.

The Good Between BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon