Sumakay na ako ng jeep dahil nasasayang lang ang oras at laway ko kay Popoy. Tinext ko na rin si Stephen na on the way na ako sa gym, ang usapan kasi namin doon na lang magkikita mismo sa gym kaya mag isa lang akong nagcocommute. Dibale, sanay naman na ako mag-isa eh. #BoomHugot.

Pagbaba ko sa tapat ng gym agad kong nasilayan si Stephen na naka white tshirt na fit na fit sa katawan niya kaya kitang kita ng mga mata ko ang abs niya. Shet 6 packs abs din iyon. Palagi sigurong nag gy-gym si Stephen.

"Stephen!" Pagtawag ko sakanya at agad din naman niya akong nakita, pumasok na ako sa gym at katamtaman lang ang laki nito. Infairness maganda ang gym na ito.

"Uy Panching andito ka na pala." Nakangiting sabi ni Stephen nang makalapit ako sakanya.

"Actually hindi, replica ko lang to." Sarkastiko kong sagot sakanya pero tanging tawa lang ang sagot niya atsaka ginulo ang buhok ko. Kaloka tong si Stephen, nanggugulo pa ng buhok. Inggit yata sa buhok ko.

"Hey Stephen, siya na ba yung sinasabi mong kasama mo?" Bigla akong napatingin sa babaeng lumapit sa amin na naka pang sports wear na din.

"Oh yes. Ching, meet Camille, our trainee for today. Siya ang tutulong sayo para magpapayat. And Camille meet Ching, siya yung sinasabi ko sayo na gustong pumayat." Nakangiting sabi ni Patricio kay Camille, na trainee daw namin.

"Nice to meet you Ching. Mukhang mahaba habang proseso ang gagawin natin." Nakangiting sabi ni Camille habang nakatingin sa buong pagkatao ko, sabay hawak sa braso ni Stephen.

Wow kailangan talaga may paghawak sa braso? Landi ah. At iniinsulto niya ba ako? Matagal tagal daw na proseso? Pakain ko sakanya mga taba ko eh. Akala mo naman kay ganda.

"Nice to meet you too Camille." Sabi ko na lang na may halong plastik na ngiti. Pero ang gaga inirapan lang ako. Siya pa ang may ganang mang-irap ah? Pasalamat siya nasa harapan ko si Stephen kun'di baka nasungalngal ko na ang malanding to.

"So let's start?" Malanding tanong ni Camille habang ngiting ngiti na akala mo naman ay may dimples.

Sarap pumatay ng babaeng malandi ngayon. Okay beast mode nanaman ako.

Hindi ko napansin na pumunta na pala sila sa area kung saan kami magsisimulang magexercise. At as usual nakakapit pa rin si Camille kay Stephen. Ang sarap hampasin ng barbel ang pagmumukha.

Napansin kong humiwalay sa amin si Stephen at pumunta siya sa may area na puno ng malalaki at maliliit na barbel. Whoo ang hot tignan ni Stephen! Yung muscles niya shemss.

"Ehem!" Napatingin ako kay Camille habang nakatingin siya sa akin ng masama. Anong problema ng malanding to?

Pero dahil maganda ako binalewala ko na lang siya at tinitigan ulit si Stephen.

"Ehem ehem!" Napatingin nanaman ako kay Camille. Ano bang problema ng babaeng to? Kung inuubo siya, uminom siya ng gamot, hindi yung ang sama sama ng tingin niya sa akin. Kaloka.

"Ehem!!" Hindi na ako nakatiis at nilingon ko na ang malanding ito.

"Inuubo ka ba? Gusto mo ibili kita ng bioflu? Mura lang yon." Inis na tanong ko kay Camille pero ang bruha nginitian lang ako ng plastik.

"Oo medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh. Tara magstart na tayo?" Sabi niya sabay tingin kay Stephen.

Masama daw ang pakiramdam pero may ganang lumandi? If I know gusto niya lang titigan si Stephen.

Pumunta kami doon sa may color black na parang bicycle, yung tatakbo ka ng tatakbo? Tapos pabilis ng pabilis yung takbo mo dahil pabilis din ng pabilis yung ikot noon.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now