Chapter 52 - Dinner

Start from the beginning
                                    

"Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Tulong!!!!!"

Dalawang matatangkad na lalaki na naka-amerikano ang nakahawak sa magkabilang braso ko. Kahit anong pagpupumidlas ang gawin ko ay balewala lang sa kanila. At dinadala nila ako sa kung saan. Sa fire exit yata. Hindi ako sigurado.

Pagtingin ko sa likod ko may dalawa pang naka-amerikanong lalaki. Nang makalabas na kami ng building ay may dalawang itim na kotse ang mabilis na huminto sa harap namin. Pumasok iyong dalawang mama doon sa isang kotse. Tapos kami naman nang dalawang mama na nakahawak sa akin ay sa isa.

"Mama. Kinikidnap niyo ba ako? Wala akong pera pang ransom kaya pakawalan niyo na ako."

 

Walang sumasagot sa kanila. Nakatingin lang sila ng diretso sa harapan. Hindi naman sila mga pangit, hindi mo nga sila mapagkakamalang kidnaper eh. Sobrang seryuso lang talaga ng pagmumukha nila kaya natatakot ako.

"Miyembro ba kayo ng sindikato na nagbebenta ng mga babae sa ibang bansa? Naku mama maawa po kayo sa'kin. Bata pa po ako. Marami pa po akong magagawa para baguhin ang ating masaklap na mundo."

 

No reaction pa rin. Kahit blink nang mata wala. Daig pa nila ang mga robot. Baka nga robot tong mga to? Pagnagkataon lagot ako. Walang puso ang mga robot na pwedeng maawa. Hay ewan.

"Wait baka ibang sindikato kayo. Kayo ba yung nagbebenta ng organs? Naku po mga seryusong mama. Huwag niyo naman pong kukunin ang mga organs ko. Hindi ko pa po sila napapakinabangan ng husto. Pwede saka na lang po kapag 60 years old na lang ako. Sige na po maawa na po kayo sa'kin."

 

Hindi ko alam kung anu-ano pa ang mga pinagsasasabi ko para lang maawa sila sa'kin at pakawalan nila ako. Kaya lang wala pa ring reaction mula sa kanila. Parang napapaos na nga ako sa kasasalita at kasisigaw pero wala pa rin.

Hanggang sa tumigil na iyong kotse. Sapilitan nila akong pinalabas.

"Mga mama. Maawa na po kayo sa'kin. Pakiusap huwag niyo kong ibebenta. Pakawa-------"

 

Napatigil ako sa pagsasalita. Na shocked ako ng makita kung nasaan ako. Napakunot ang noo ko na tiningnan iyong mga dumukot sa'kin.

"You're here already! Good job boys."

 

Parang hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Mukhang hindi naman ako nakidnap. Dahil dinala ako ng mga mama sa bahay ni Nathaniel.

"Ikaw?"

 

"Yes my dear. It's me." Proud pa niyang sabi habang papalapit sa akin. Tapos ay bineso-beso niya ako.

""Come in."

 

Hinila na niya ako papasok ng bahay. Nagpatianod naman ako. Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagka shocked ko. Pinaupo na niya ako.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now